Hindi nakapagtimpi ang dating Kapuso actress na si Iwa Moto sa isang babaeng nagngangalang 'Karen' dahil sa pagrereto raw nito sa kaniyang boyfriend na si Panfilo 'Pampi' Lacson, Jr. sa ibang babae.

Aniya sa kaniyang Facebook post noong Mayo 29, "Girl kung aasarin mo si Pampi sa babaeng nirereto mo sa kaniya dati. Siguraduhin mong di ko naririnig ah. Karen (di ko alam last name) 'wag ka na papakita sa akin ah. Wag ka na din tatawag sa boyfriend ko. Pinag-iinit mo ulo ko eh."

Tsika at Intriga

Gretchen kumain ng 'piattos' habang pinanonood si PBBM: 'The New Teleserye'

Napatanong naman ang mga kaibigan niya kung sinong 'Karen' ang tinutukoy niya. Kung alam lang daw niya ang apelyido nito, malamang ay nai-tag na niya.

Si Iwa Moto ang partner ng estranged husband ni Jodi na si Pampi, na anak ni Senator Ping. Ikinasal si Jodi sa anak ni Senator Ping noong 2005 sa Las Vegas. Naghiwalay sila noong Marso 2011 matapos mag-file ng "petition for the declaration of nullity of marriage" sa Regional Trial Court sa grounds na psychological incapacity, subalit ibinasura ito ng Court of Appeals noong 2016. Sila ay nagkaroon ng anak na pinangalanang Panfilo 'Thirdy' Lacson III.

Naging magkarelasyon sina Pampi at Iwa noong 2012, at naging maayos naman ang ugnayan nina Jodi at Iwa.