Nagulat ang lahat sa isang Instagram story ng ABS-CBN Star Patroller Ganiel Krishnan, Martes ng gabi, Mayo 31, nang ibahagi nito ang larawan niya mula sa Miss World Philippines 2021.

Larawan mula kay Ganiel Krishnan

Matatandaang Oktubre 2021 nang sumabak sa pageant si Ganiel at itinanghal bilang 2nd Princess sa Miss World PH ngunit agad itong nagbitiw sa kaniyang puwesto upang ipagpatuloy ang karera bilang news reporter.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Sa isang panayam sa Balita Online, nagpapasalamat si Ganiel sa pageant fans na patuloy na sumusuporta sa kaniya.

“I’m very thankful and grateful for everyone who has been there to support my pageant career," saad ng 26-year-old showbiz reporter.

Larawan mula kay Ganiel Krishnan

Sa ngayon, wala pang pinal na desisyon si Ganiel kung magbabalik siya sa mundo ng pageantry.