Kahapon ay naganap na nga ang Big Night ng 'Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 kung saan si celebrity housemate Anji Salvacion ang itinanghal na Big Winner.

2nd Big Placer naman ang ‘Bubby Boss Lady ng Leyte’ na si Isabel Laohoo mula sa Adult Kumunity. Nakakuha siya ng 18.20% ng combined online votes at nanalo ng kalahating milyong piso.

Ang ‘Bread-Queener ng Palawan’ na si Samantha Bernardo ang nagwagi bilang 3rd Big Placer na may 16.28% ng mga boto. Sa kanyang pagtanggap ng premyong 300,000 pesos, sinabi ng beauty queen na hati sila ng ‘Sissy’ niyang si Alyssa Valdez na pinalitan niya matapos piliin ng volleyball superstar ang maglaro sa SEA Games.

4th Big Placer naman ang ‘Traveling Wonder Lad ng Laguna’ na si Rob Blackburn na nakakuha ng 4.01% ng mga boto at mag-uuwi ng 200,000 pesos at 5th Big Placer ang ‘Fun-Along Comedian ng Cagayan de Oro’ na si Brenda Mage na nakakuha ng 1.19% ng pinagsamang boto at mag-uuwi ng 100,000 pesos.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Si Anji Salvacion ang ika-17 na big winner sa kasaysayan ng reality show.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/29/anji-salvacion-itinanghal-na-pbb-big-winner/">https://balita.net.ph/2022/05/29/anji-salvacion-itinanghal-na-pbb-big-winner/

Anyway, trending na naman si Toni Gonzaga dahil marami sa mga netizen ang naka-miss sa hosting niya sa PBB. Iba raw kasi ang dating talaga ni Toni kapag siya ang nagho-host ng eviction o kaya ay Big Night.

Narito ang ilan sa tweets ng mga netizen.

"Pero nakaka-miss yung kabang-kaba ka na sasabihin ni Toni yung 'Sa aking pagbabalik'. Siya lang nakakagawa no'n."

"I won't argue. Kasi agree ako to this, #ToniGonzaga is Toni Gonzaga! She's the HOST OF ALL HOSTS! periodt!"

"Iba pa rin talaga yung dating pag si Ate Toni yung nag-announce ng Big Winner the best ka Tin!"

"Nakaka-miss naman si Toni sa PBB. Magagaling naman sina Bianca, Robi… pero iba pa rin si Toni! Siya talaga ang tatak ng PBB. Sana naman makabalik pa siya. May chance pa kaya?"

"#ToniGonzaga is Toni Gonzaga, the Ultimate Multimedia Star, the one and the only HOST of all HOSTS! PBB will never be the same again without Toni G!"

Matatandaang nagbitiw sa kaniyang pagiging main host si Toni noong Pebrero 9 matapos bumulaga bilang host ng proclamation rally ng UniTeam, noong Pebrero 8.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/02/08/toni-gonzaga-host-ng-proclamation-rally-ng-uniteam-nina-bbm-at-sara-sa-bulacan/">https://balita.net.ph/2022/02/08/toni-gonzaga-host-ng-proclamation-rally-ng-uniteam-nina-bbm-at-sara-sa-bulacan/

"It has been my greatest honor to host PBB for 16 years," saad ng TV host-actress.

"From witnessing all my co-hosts' transition from housemates to PBB hosts are just some of the best moments in my life sa bahay ni Kuya!"

"Today, I'm stepping down as your main host. I know Bianca and the rest of the hosts will continue the PBB legacy. It has been my privilege to greet you all with 'Hello Philippines' and 'Hello World' for the last 16 years."

"I will forever cherish the memories, big nights and moments in my heart. Thank you Kuya for everything."

"This is your angel, now signing off…"

Basahin: https://balita.net.ph/2022/02/09/mariel-kay-toni-welcome-to-the-outside-world/">https://balita.net.ph/2022/02/09/mariel-kay-toni-welcome-to-the-outside-world/

Samantala, naging vocal naman si Bianca Gonzalez na akala raw niya ay kaya na niyang maging PBB main host, pero aminado siyang hindi niya magagawa ang nagagawa ni Toni sa show.

Sa pagtatapos ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10, grateful at honored ang PBB host na si Bianca Gonzalez na maging parte ng reality show.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/05/29/bianca-gonzalez-grateful-na-maging-parte-ng-pinoy-big-brother/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/05/29/bianca-gonzalez-grateful-na-maging-parte-ng-pinoy-big-brother/

Nagbigay rin siya ng mensahe kina Toni at isa pa sa mga orihinal host nito na si Mariel Rodriguez.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/30/bianca-gonzalez-may-mensahe-para-sa-mga-kaibigang-sina-toni-gonzaga-at-mariel-rodriguez/">https://balita.net.ph/2022/05/30/bianca-gonzalez-may-mensahe-para-sa-mga-kaibigang-sina-toni-gonzaga-at-mariel-rodriguez/

Unang umalis ng PBB si Mariel noong 2016 dahil sa kaniyang maselang pagbubuntis. Silang tatlo ang tinaguriang 'Kuya's Angels'.

Samantala, pagkatapos ng closing spiel ni Bianca sa Big Night nitong Linggo, agad niyang niyakap ang co-host na si Robi at hindi napigilan ang pag-iyak.