Naispatan si Megastar Sharon Cuneta at ang mga anak na nanonood ng Begin Again: K-Pop Edition concert sa Smart Araneta Coliseum kahapon ng Linggo, Mayo 29.
Ibinahagi pa ni Kakie Pangilinan ang 'teary-eyed' na mama niya dahil nasilayan ang hinahangaan nitong si Kim Kibum ng SHINee.
"Kim Kibum ikaw lang ang nagpapaiyak ng mama ko na ganito," saad ni Kakie sa kaniyang tweet nitong Mayo 29.
Ibinahagi rin ni Sharon ang screengrab ng tweet ng anak sa kaniyang Instagram post.
"Nakakahiya man pero SHINee (this time si Key pa lang) ang nakakapagpaiyak sa akin nang ganito. I was so happy when I got to meet NCT 127, but I will cry buckets if all of SHINee comes. And possibly EXO too (especially DO). Back to Ilocos tomorrow for work. God bless you all!" ani Sharon na nagpunta pa ng NCR mula sa Ilocos, para sa lock-in taping ng teleseryeng 'FPJ's Ang Probinsyano'.