Excited na ang fans nina Megastar Sharon Cuneta at Asia’s Songbird Regine Velasquez sa nalalapit nitong two-night “Iconic” repeat concert sa Hunyo.

Muling inimbitahan ni Regine ang kanyang followers sa espesyal na pagtatanghal ng dalawa sa pinakamaningning na haligi ng original Pinoy music (OPM).

“Mga bakla ito lapit na 😂,” mababasa sa Instagaram post ni Songbird, nitong Lunes.

Sa darating na Hunyo 17, 18 nakatakdang ganapin sa Marriot Grand Ballroom sa Resorts World Manila ang restaging ng highyl-successful 2019 concert ng duo.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Samantala, bagaman humupa na ang eleksyon, hindi pa rin ligtas sa online bashing ang dalawa.

Sa katunayan, naging tampulan pa ng pambabatikos nitong Linggo, ang pagdalo ni Sharon sa isang Kpop concert na dati na niyang nakahiligan.

Nauna nang ipinagkibit-balikat ni Sharon ang nauusong “cancel culture” na tangkang burahin ang kanilang ambag ni Regine sa industriya.

“We’ve been here too long. We got here without this whatever culture they want to call it. For people trying to cancel both our legacies, I think it will take a ton more than that,” ani Sharon sa isang panayam noong Mayo 3 matapos humarap din sa kabi-kabilang isyu ang Songbird kabilang ang kanyang pinag-usapang rebelasyon sa programang “Magandang Buhay.”

Dagdag pa ni Mega, “We’ve been here too long. We got here without this whatever culture they want to call it. For people trying to cancel both our legacies, I think it will take a ton more than that.”