Emosyonal ang mag-asawang Ina Raymundo at Brian Poturnak sa naging high school graduation ng anak kamakailan.

Ito ang ibinahagi ng celebrity mom sa kanyang Instagram post, Linggo, Mayo 30.

“When you least expect it, it happens! Yes! A face-to-face graduation, though Erika’s Zoom graduation last May 2020 wasn’t bad at all. It was special. ✨✨✨ Way to go son,” mababasa sa IG post ng proud mom.

“Just like you said, high school was easy but brace for university & some intense baseball!” dagdag ni Ina.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Nauna nang naging laman ng balita ang pagkaka-recruit sa 17-anyos na si Jakob bilang opisyal na Division 1 baseball player ng Xavier University sa Cincinnati, Ohio, ang pinakamataas na intercollegiate athletics level sa ilalim ng National Collegiate Athletic Association (NCAA).

“We’ll always be proud of you. Your sisters, mom and dad love you so much!” dagdag pa ni Ina sa panibagong tagumpay ng anak.

Sa parehong Instagram post, makikita ang mga larawan, video at ilang tagpo ng pamilya sa ipinagdiwang ang pagtatapos ni Jakob.

Emosyonal din si Ina at asawang si Brian sa seremonya ng anak.

Si Jakob ang pangalawa at tanging anak na lalaki ng aktres.