Naninindigan ang Kapuso actress na si Bea Alonzo na ang akto ng 'flirting' o pakikipagharutan pa sa iba kahit may jowa ka na, ay isang anyo na rin ng panloloko o cheating sa karelasyon.

Sinagot ni Bea ang tanong sa kaniya ng mga netizen sa Instagram, sa pamamagitan ng kaniyang latest vlog na #ASKBEA: Girl Talk (Q&A) na umere noong Mayo 28.

"Syempre hindi. For me, flirting is already cheating, a window to cheat. ‘Pag nag-flirt tapos ‘pag bumigay, eh 'di affair na ‘yon. I think you should stand your ground," aniya.

“Tell your boyfriend, ‘You know, this isn’t okay.’ Let the person know that you have these boundaries that they cannot cross. Otherwise, you will end the relationship.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Natanong din si Bea kung ayos lang ba sa kaniyang mag-like ng ibang IG post ang boyfriend niyang si Dominic Roque.

“Si Dom, madalas siyang nagla-like ng mga picture ng friends niya na babae or kahit mga babae na ‘di niya friends okay lang. He appreciates beauty and I trust him so I know he won’t do anything stupid," ani Bea.

Sa kabilang banda, kung ang ibang babae naman ay hindi komportable sa ganoon, ayos lang din ito. Makabubuting maging bukas sa nararamdaman sa jowa upang malaman nitong nakakaapekto na pala sa mental and emotional health ang ginagawa.

“Why don’t you ask your boyfriend about it? If it affects you, definitely, it’s valid. Pag-usapan n'yo ng boyfriend mo.”

“Hindi ako selosa tungkol sa ibang tao, sa mga babae, pero nagseselos ako kapag nagbibigay siya ng atensyon sa iba na mas madalas kaysa sa’kin---sa mga kaibigan, gadgets niya, sa drone, sa gaming," pag-amin ni Bea.

Bukas din daw sila sa isa't isa tungkol sa mga crush nila.

Panoorin ang naturang vlog sa kaniyang YouTube channel: