Naganap na nga ang Big Night ng 'Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 nitong Linggo, Mayo 29, kung saan si celebrity housemate Anji Salvacion ang itinanghal na Big Winner.

Si Anji Salvacion ang ika-17 na big winner sa kasaysayan ng reality show.

Kasabay nito, trending na naman ang dating main host nitong si Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga dahil marami sa mga netizen ang naka-miss sa hosting niya sa PBB. Iba raw kasi ang dating talaga ni Toni kapag siya ang nagho-host ng eviction o kaya ay Big Night.

Narito ang ilan sa tweets ng mga netizen.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

"Pero nakaka-miss yung kabang-kaba ka na sasabihin ni Toni yung 'Sa aking pagbabalik'. Siya lang nakakagawa no'n."

"I won't argue. Kasi agree ako to this, #ToniGonzaga is Toni Gonzaga! She's the HOST OF ALL HOSTS! periodt!"

"Iba pa rin talaga yung dating pag si Ate Toni yung nag-announce ng Big Winner the best ka Tin!"

"Nakaka-miss naman si Toni sa PBB. Magagaling naman sina Bianca, Robi… pero iba pa rin si Toni! Siya talaga ang tatak ng PBB. Sana naman makabalik pa siya. May chance pa kaya?"

"#ToniGonzaga is Toni Gonzaga, the Ultimate Multimedia Star, the one and the only HOST of all HOSTS! PBB will never be the same again without Toni G!"

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/30/toni-gonzaga-namiss-ng-mga-netizen-sa-big-night-ng-pbb-kumunity-season-10/">https://balita.net.ph/2022/05/30/toni-gonzaga-namiss-ng-mga-netizen-sa-big-night-ng-pbb-kumunity-season-10/

Matatandaang nagbitiw sa kaniyang pagiging main host si Toni noong Pebrero 9 matapos bumulaga bilang host ng proclamation rally ng UniTeam, noong Pebrero 8.

"It has been my greatest honor to host PBB for 16 years," saad ng TV host-actress.

"From witnessing all my co-hosts' transition from housemates to PBB hosts are just some of the best moments in my life sa bahay ni Kuya!"

"Today, I'm stepping down as your main host. I know Bianca and the rest of the hosts will continue the PBB legacy. It has been my privilege to greet you all with 'Hello Philippines' and 'Hello World' for the last 16 years."

"I will forever cherish the memories, big nights and moments in my heart. Thank you Kuya for everything."

"This is your angel, now signing off…"

Samantala, naging vocal naman ang kasalukuyang main host nitong si Bianca Gonzalez na akala raw niya ay kaya na niyang maging PBB main host, pero aminado siyang hindi niya magagawa ang nagagawa ni Toni sa show.

Sa pagtatapos ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10, grateful at honored ang PBB host na si Bianca Gonzalez na maging parte ng reality show.

Nagbigay rin siya ng mensahe kina Toni at sa isa pang orihinal na host nitong si Mariel Rodriguez. Silang tatlo ang tinaguriang 'Kuya's Angels'.

Sa isang vlog episode ng 'Toni Talks' noong Oktubre 10, 2021, kung saan magsisimula pa lamang ang PBB: Kumunity Season 10, nakapanayam ni Toni ang direktor nito na si Star Magic head Direk Laurenti Dyogi.

Ibinahagi ni Toni na noong nagsisimula pa lamang siya bilang host, hindi pa siya masyadong kinakausap ni Direk Lauren. Kakausapin lamang daw siya nito kapag may buckle siya. Kaya naman, talagang pinagbuti niya ang trabaho niya upang hindi siya mapagalitan nito, kaya masasabi niyang isa si Direk Lauren sa mga nakatulong sa kaniya upang mapagbuti ang kaniyang hosting skills.

Dito ay sinabi ni Direk na si Toni raw ay ang PBB at ang PBB ay si Toni Gonzaga. Talagang nagmarka na si Toni at kaniyang spiels sa naturang reality show.

"Alam mo naman na Big Brother is equivalent to Toni Gonzaga, and Toni Gonzaga is Pinoy Big Brother. Hindi puwedeng mawala ang isa doon," sey ni Direk Lauren.

Dito ay pinabulaanan ni Direk Lauren na siya ang nasa likod ng sikat na boses ni Big Brother, bagama't 'lolo' umano ang tawag sa kaniya ng lahat dahil siya ang nasa likod ng programa.

Kaya naman tanong ng marami, ngayong tapos na ang halalan at PBB, babalik pa kaya si Toni sa susunod na season ng reality show?

Samantala, panoorin ang naturang vlog episode mula sa Toni Talks:

&t=1280s