Dinumog ng kani-kanilang mga tagahanga ang celebrity couple na sina Andrea Brillantes at Ricci Rivero nang magbakasyon sila sa Siargao para sa pagdiriwang ng ika-24 kaarawan ng basketball star.

Wala namang tanggi ang dalawa sa mga gustong mag-selfie kasama sila. Makikitang kahit nakaangkas pa sila sa motorsiklo ay sige ang pagkuha ng litrato ng mga tagahanga, lalo na kay Andrea.

Samantala, isang netizen naman ang nakakuha ng video kay Andrea habang nagbe-baby talk ito sa pagbili sa isang tindahan.

"Tapos po, Cream-o. dalawa… yung ito po yung cookies and cream, yung… yung blue din po. Ito po oh. Wala na ba po niyan?" ani Andrea sa tindero.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Makikitang hindi naman napapansin ni Ricci ang pagpapabebe ni Andrea dahil abala siya sa pakikipagkulitan sa kanilang mga kasama.