Bagaman maayos ang naging blessing ni Ogie Diaz sa paglipat ni Liza Soberano sa talent agency ni James Reid, may “kirot sa puso” pa rin umano para sa talent manager ang hindi pag-renew ng kontrata ng Kapamilya star.

Ito ang saloobin ng showbiz veteran na si Manay Lolit Solis sa isang mahabang Instagram post, Sabado.

“Kahit pa nga maluwag sa loob ni Ogie Diaz na ibigay sa bagong management ang alaga niyang si Liza Soberano, sure ako Salve na meron itong kirot sa puso. Kasi nga iyan mga talents mo parang anak mo narin, mahal mo at kung puwede nga na habang buhay mo kasama,” ani Manay Lolit.

Matatandaan na kinumpirma ni Ogie sa isang Youtube vlog kamakailan ang pamamaalam ni Liza sa kanyang puder.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Basahin: Ogie Diaz, sinagot kung bakit walang proyekto ang ‘LizQuen’; Liza, wala na raw kontrata sa ABS-CBN – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

"Nag-decide si Liza na 'di na mag-renew through a long Viber message na magalang naman 'yung bata in fairness. And tsaka 'pag happiness nung tao 'yung concern, binibigay ko 'yan,” anang talent manager.

Basahin: Ogie Diaz, malaki ang utang na loob kay Liza Soberano; Si James Reid na raw ang bagong manager? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Para sa parehong talent manager na si Manay Lolit, tiyak na ikinalungkot umano ni Ogie ang pamamaalam ni Liza na kanya nang naging alaga mula nang pumasok ito sa showbiz taong 2011.

“Hindi lang alam minsan ng iba na ang partnership ng dalawang tao dapat meron din chemistry o magic para magtagumpay. Dapat akma kayo, sabay ang buwelo para nanduon ang suwerte. Ok tagumpay ka ngayon, puwede mabawasan o madagdagan iyan depende sa kasama mong tao,” ani Manay Lolit sa dapat na relasyon ng talent sa kanyang manager.

“At least nagawa ng Liza Soberano ni Ogie Diaz si Liza. Hindi na mahihirapan ang bagong management niya sa kanya. Meron na siyang premium, madali ng ihanap ng trabaho. At mabuti din na may blessing si Ogie sa paglipat nito sa ibang management,” dagdag ng veteran showbiz insider.

Dahil sa naging blessing din ni Ogie, mas magiging maluwag din umano para kay Liza ang panibagong hakbang nito sa kanyang karera, sey ni Manay Lolit.

“Good luck to both Ogie Diaz and Liza Soberano, si Ogie tiyak na ang journey sa buhay, ewan ko kung saan dadalhin ng kapalaran niya si Liza,” pagtatapos niya.