Talaga nga namang “travel goals” ang bakasyon nina Lara Quigaman at Marco Alcaraz matapos bisitahin ng celebrity couple ang ilan sa mga sikat na destinasyon sa dalawang bansa sa Europe!

Sa mga ibinahaging larawan ni Lara sa kanyang Instagram, makikita ang parehong sweet at cute moments ng mag-asawa sa kanilang Europe trips.

Travel goal achieved ng dalawa matapos bisitahin ang mga bansang Hungary at Italy.

Bahagi sa kanilang trip ang Tore De Pisa Italia, sa Pisa at ang sentro sa Tuscany region, sa Florence.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Sa Hungary naman, pasok sa travel list ng mag-asawa ang Mako, Kistelek at syudad na kilala sa kanilang naglalakihang kastila, sinaunang simbahan at architectural bridges, ang lungsod ng Budapest.

Isang #AsawaTip naman ang napagtanto ni Lara kasunod ng kanilang memorable trip ngayong taon.

“Tired but happy 🤍 not seen in the photo: the arguments and irritation with each other 🤣😂 but that's just it- we may argue and fight a little - but at the end, we are one. We are a team. We kiss, we say sorry, we make up and we take more photos 🙊🤪,” mababasa sa Instagram caption ni Lara kalakip ang larawan nila ni Marco sa Budapest.

“Sometimes when you are annoyed at each other, it could just be that you are hungry, exhausted or something else and just venting it out on your spouse, so relax, you don't hate each other and your relationship is not on the rocks.. it is normal to have 'moments' like these, it will pass and everything will be alright,💕” dagdag ng beauty queen-turned-actress.

Panghuli, isang makulit na travel tip naman ang payo ni Lara sa mga husbands: “Please learn to take good photos 😂 and always always feed your wives 🤣🤣🤣”

Bago ang kanilang Europe trip, nauna munang binisita ng celebrity couple ang Dubai kamakailan.