Inamin ni Kylie Padilla na matapos ang pagmo-move on sa relasyon nila ng estranged husband na si Aljur Abrenica ay nasa dating stage na ulit siya, at may nagpapatibok na raw sa kaniyang puso ngayon.

"Yes, I am dating. Ayoko pa talagang sabihin ‘to," sey ni Kylie sa panayam sa kaniya ni Nelson Canlas ng 24 Oras.

Hindi naman nagbigay ng iba pang detalye si Kylie kung sino ba ang lalaking nagpapatibok sa puso niya ngayon.

Matatandaang sinabi ni Kylie na napagkasunduan na umano nila ni Aljur na maging co-parents sa kanilang mga anak, at malaya ang isa't isang makipag-date sa mga mapupusuan nila.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Basahin: https://balita.net.ph/2022/02/21/kylie-ni-like-ang-video-aj-at-aljur-super-sweet-habang-nasa-beach/">https://balita.net.ph/2022/02/21/kylie-ni-like-ang-video-aj-at-aljur-super-sweet-habang-nasa-beach/

Sa ngayon ay nali-link si Aljur kay Viva sexy star AJ Raval, subalit hindi pa nila kinukumpirma ang estado ng kanilang relasyon; bagama't ibinuking na ni action star Jeric Raval, ama ni AJ, na nagmamahalan daw ang dalawa.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/10/26/jeric-raval-sa-lovelife-ni-aj-kahit-ayaw-ko-wala-akong-magagawa-matanda-na-yung-anak-ko/">https://balita.net.ph/2021/10/26/jeric-raval-sa-lovelife-ni-aj-kahit-ayaw-ko-wala-akong-magagawa-matanda-na-yung-anak-ko/