Pitong tripulante ang nawawala at 13 kasamahang mangingisda ang nasagip matapos salpukin ng isang cargo ship ang kanilang fishing boat sa karagatan ng Palawan nitong Sabado.
Sa pahayag Philippine Coast Guard (PCG), patuloy pa ang isinasagawa nilang search and rescue operations sa karagatang bahagi ng Agutaya, Palawan at sa mga kalapit na lugar, sa pag-asang matagpuan ang pito pang Pinoy na mangingisda.
Bago ang insidente, nangingisda sa lugar ang 20 Pinoy sakay ng FB JOT-18l nang banggain umano ng MV Happy Hiro, isang cargo vessel na nakarehistro sa Republic of the Marshall Islands sa Maranacao Island.
"A transiting fishing boat provided immediate rescue assistance to 13 out of 20 crew members of FB JOT-18. The seven crew members remain missing as of press time," pahayag ng PCG.
Hindi muna isinapubliko ng PCG ang pagkakakilanlan ng mga mangingisda hangga't hindi pa naipapaalamsa kanilang pamilya ang insidente.
Nilinaw ng PCG, ang mga nasagip ay kaagad na binigyang ng paunang lunas ng mga tripulante ng MV Happy Hiro dahil sa mga sugat sa katawan.
Gayunman, iniimbestigahan pa rin ng mga awtoridad ang insidente.