Usap-usapan ngayon ang pagre-react ng Filipina-American singer na si Bella Poarch sa topless photos ni Kapamilya actor Joshua Garcia habang paahon sa swimming pool, na ibinahagi niya sa kaniyang Instagram post noong Mayo 26.

Napansin kaagad ng mga netizen si Bella Poarch na isang face emoji na 'Wow!' ang inilagay sa comment section. Kaagad naman itong dinumog ng mga netizen lalo na nang makitang tumugon din si Joshua.

Marami tuloy ang nagshi-ship o nagrereto sa dalawa lalo't napapadalas na ang pagbibigay nila ng mensahe sa isa't isa sa tuwing may social media post ang young actor.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

May mga netizen naman na nagsabing 'pumila' naman si Bella. Ito ay birong hirit sa mga bebot na nagkakandarapa rin sa aktor.

"Hoy Bella, pila-pila rin 'pag may time, bawal sumingit!"

"Mare pumila ka naman!"

"Excuse me Bella Poarch huwag kang sumingit sa mahabang pila, doon ka sa dulo teh!"

"Hala si Ate Ghurl oh, nakikipag-unahan. May pila po!!!"

"Hoy pumila ka sa likod aba!"

Matatandaang noong Abril 15 ay nai-feature naman ni Bella sa kaniyang TikTok video si Joshua na talaga namang kinakiligan ng mga netizen.