Matapos ang 32 weeks ng edisyong ito, itinanghal ang ‘Singing Sweetheart ng Siargao’ na si Anji Salvacion bilang Big Winner sa Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 ngayong Linggo ng gabi, Mayo 29, 2022.

PBB ABS-CBN

Mula sa pinagsama-samang votes to evict at votes to save, si Anji ang nanguna sa botohan na nakapag-tala ng 40.42% ng total number of votes.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

2nd Big Placer naman ang ‘Bubby Boss Lady ng Leyte’ na si Isabel Laohoo mula sa Adult Kumunity. Nakakuha siya ng 18.20% ng combined online votes at nanalo ng kalahating milyong piso.

Ang ‘Bread-Queener ng Palawan’ na si Samantha Bernardo ang nagwagi bilang 3rd Big Placer na may 16.28% ng mga boto. Sa kanyang pagtanggap ng premyong 300,000 pesos, sinabi ng beauty queen na hati sila ng ‘Sissy’ niyang si Alyssa Valdez na pinalitan niya matapos piliin ng volleyball superstar ang maglaro sa SEA Games.

4th Big Placer naman ang ‘Traveling Wonder Lad ng Laguna’ na si Rob Blackburn na nakakuha ng 4.01% ng mga boto at mag-uuwi ng 200,000 pesos at 5th Big Placer ang ‘Fun-Along Comedian ng Cagayan de Oro’ na si Brenda Mage na nakakuha ng 1.19% ng pinagsamang boto at mag-uuwi ng 100,000 pesos.

As of writing, number 1 trending topic ang hashtag #PBBKumuBigNight sa Twitter.

Si Anji Salvacion ang ika-17 na big winner sa kasaysayan ng reality show.

Kaugnay na Balita: https://balita.net.ph/2022/05/29/bianca-gonzalez-grateful-na-maging-parte-ng-pinoy-big-brother/