Usap-usapan ngayon ang paninipa umano ng social media personality na si Zeinab Harake sa bagong nobya ng kaniyang partner na si Skusta Clee o Daryl Ruiz sa tunay na buhay.

Ayon sa ulat, nagpang-abot umano sina Zeinab at ang babaeng kinilalang si Aira Mae Lipata sa isang bar sa Tomas Morato, Quezon City. Tinadyakan umano ni Zeinab si Aira at natumba kaagad ito. Plano raw kasuhan ng pamilya ni Aira si Zeinab ngunit hindi pa ito kumpirmado. Si Aira daw ang bagong apple of the eye ni Daryl. Marami umanong nakakitang netizen sa selfie nito sa bahay ng mang-aawit.

Zeinab Harake (Screengrab mula sa TikTok)

Tsika at Intriga

11 na buwan sa kulungan: Ricardo Cepeda, pansamantalang nakalaya

Si Aira ay isang Muay Thai player at talent sa TV-5.

Makikita naman sa Facebook post ng kaibigan ni Aira na si Kate Lim ang tungkol dito. Aniya, pinagtulungan daw ng mga kaibigan ni Zeinab ang kaniyang kaibigang si Aira.

Hindi naman daw sa nakikisawsaw sa isyu nilang dalawa, subalit palagay niya ay maling-maling kuyugin ang kaniyang kaibigan.

Screengrab mula sa FB/Kate Lim

Sa ngayon, burado na ang naturang FB post.

Sa Facebook post naman ni Zeinab, wala pa siyang update tungkol dito ngunit makikita ang kaniyang litrato na tila nasa isang bar siya.

"Not a secret, just not your business," caption niya.

Sa Facebook post naman ni Skusta, ibinahagi niya ang post mula sa 'Anxiety'. Nakalagay rito na "Never revenge, let them realize."

Isang Facebook page naman na may pangalang "Aira Lipata" ang pinuputakti ngayon ng mga netizen dahil sa mga post nito laban kay Zeinab at pagdepensa sa sarili, sa pagkakaugnay nila ni Skusta. Hindi pa tiyak o kumpirmado kung lehitimo ba itong account ni Aira.

"Ang Papangit ng Basher's ko ayaw ko nalang patulan. Tigil tigilan nyo yang kaka marites nyo! Waiting for him… See you Babe," nakasaad sa caption ng isang Facebook post dito.

Sa isa pang Facebook post, kalakip nito ang isang TikTok video kung saan makikita ang naging alitan umano sa bar.

"Pasalamat ka maraming umaawat dito kundi. Talsik ka rin sakin depungal ka!!! Back fighter mag sama kapa ng mga pulis. Di ka naman kasal oy! Masyado kang feeling pwe!!!" nakalagay sa caption.

"Hiwalay na sila bago ko nainvolve kay skusta papano nyo masasabing kabit. Unang una may anak lang sila pero di sila mag asawa. Wag kayong paladesisyon!!! Kayo ang may ubo sa utak!!!" pahayag pa sa isang Facebook post.

Screengrab mula sa FB/Aira Lipata