Masayang ibinahagi ni Lincoln Cortez Velasquez o mas kilala bilang 'Cong TV' sa isang Facebook post na pumalo na sa higit 10M ang subscribers sa kaniyang YouTube channel, Biyernes ng gabi, Mayo 27.

“Sa wakas! Maraming Salamat sa inyong lahat mga paa! Kay tagal kong hinintay 'to. Posible pala! Salamat sa Team Payaman at higit sa lahat sa #ChickenFeetGang 😭 #Paawer," lahad ng vlogger.

Screengrab mula sa FB/Cong TV)

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Proud na proud naman ang asawa ni Cong TV na si Viy Cortez sa achievement na ito ng kanyang mister sabay post ng larawan ni Cong TV na tila bagong gising.

“Happy 10M mahal ko❤️❤️ Deserve na deserve mo yan mahal, nakita ko kung pano mo yan pinagtrabahuan ❤️ iloveyou mahal simula sa wala hanggang 10M subscriber nakita ko 🙏🏻 iloveyou mahal ko❤️"

"Sorry mahal nagulat siya ginising ko bigla sobra kase ang saya ko nung nakita ko na 10M na siya😅."

Screengrab mula sa FB/Viy Cortez

May be a closeup of 1 person
Cong TV (Screengrab mula sa FB/Viy Cortez)

Nakilala si Cong TV ng Team Payaman sa kanyang mga kuwelang content at isa siya sa top YouTube personalities ng Pilipinas.