Ibinahagi ng showbiz columnist na si Lolit Solis na may isang fans club daw ng isang celebrity ang nagpepetisyong makontrol ang kaniyang Instagram acount kung saan siya nagsusulat ng mga komentaryo hinggil sa mga artista at showbiz happenings.

"Naku Salve natatakot si Gorgy dahil narinig niya na isang fans club ang mag petition para macontrol ang IG ko. Wala naman akong maisip na dahilan dahil fair naman ako sa star na idol nila. Never akong gumamit ng harsh word o anuman tungkol sa star nila," sey ni Lolit sa kaniyang Instagram post nitong Mayo 27, 2022.

"In fact, pag may issue ang isang star sa akin, mas gusto ko pang huwag siyang isulat o pansinin. Kaya nagtataka ako kung bakit magri-react nang ganoon ang naturang fans club. Very petty naman, puwede naman i-block out ko na lang kaysa pansinin pa."

Nagpaalala si Lolit na huwag naman daw sanang pikon at sensitive sa mga naisusulat niya. Pantanggal-bagot daw kasi niya ang pagsusulat sa IG at mga kolum niya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"Kaloka naman na hanggang ngayon sobra pa rin sensitive ang ilan sa mga nasusulat ko na isang 75 years old na pang-alis boredom na lang ang IG at column na ginagawa. Huwag naman masyadong seryoso at isipin mabuti ang mga binabasa at huwag lagyan ng malisya para hindi ma-stress."

"Ewan ko kung compliment na maituturing na hanggang ngayon affected pa rin ang iba sa opinyon ko, na akala ko pa naman wala ng dating dahil nga matanda na ako, pero ito pa rin, may mga naapektuhan pa in. So sorry, pero what can I do, talagang ganoon ang buhay, kaniya-kaniya tayong diskarte, heto ako, take me for what I am, at huwag nang mapikon pa noh."

Wala namang pinangalanan ang showbiz columnist kung kaninong fans club ang tinutukoy niya. Hindi rin tinukoy ni Lolit kung anong klaseng pagkontrol ba ang nais o pinipetisyon ng naturang fans club.