Espesyal na espesyal ang Saturday episode ng 'It's Showtime' sa muling pagbabalik ng 'Dyosa' na si Multimedia Superstar Anne Curtis, matapos ang halos dalawang taong showbiz hiatus.

Bilang sorpresang performance sa abangers na madlang pipol, pasabog ang pag-awit niya ng awiting 'Break Free' ni Ariana Grande.

Anne Curtis (Screengrab mula sa YT/Kapamilya Online Live)

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

Anne Curtis (Screengrab mula sa YT/Kapamilya Online Live)

"What's up, what's up, what's up madlang pipol!!! Yes, she is back! A very special day dahil ANNEdito na, ANNE nagbabalik at nag-iisang Dyosa, Anne Curtis!" panimulang spiel sa kaniya ni Unkabogable Star Vice Ganda.

https://twitter.com/ae_keya/status/1530403188788330496

"Ito talaga ang namiss kong sabihin," nakangiting sey ni Anne.

"What's up may super duper fabulous, sexy, macho… madlang pipol!!!!" buong enerhiyang sigaw ni Anne, na ginagawa niya sa pagsisimula ng programa bilang pag-welcome sa lahat.

Kompleto naman ang It's Showtime family sa pagsalubong sa isa sa mga orihinal na host ng noontime show.

Masayang-masaya naman si Anne dahil finally ay natuloy na rin ang hinihintay-hintay na pagbabalik niya sa noontime. Pinuri naman ni Vice ang naiiba niyang ganda ngayon. Kung kailan daw nagka-anak na siya ay lalo pang lumutang ang kaniyang kagandahan.

Aminado si Anne na hindi raw siya masyadong nakatulog sa nagdaang gabi dahil nga sa kaniyang comeback. Tinanong siya ni Vice kung ano bang iniisip niya bago ang production number niya.

"Well, super excited na may halong nervousness, because it's been so long," sey ni Anne, at tila maiiyak na napahinto. "Ano ba 'yan naiiyak na naman ako…"

Isa-isa namang nagbigay ng kanilang mensahe ang mga host kay Anne.

Habang isinusulat ito ay trending na ang hashtag na '#ANNEditoNaSaShowtime' at 'Diyosa'.

Image
It's Showtime hosts kasama si ABS-CBN boss Cory Vidanes (Larawan mula sa Twitter)