Sa pag-ere ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 ngayong gabi, Mayo 28, nakilala na ang limang housemates na pasok sa Big Night ng reality show.

Mula sa pinagsama-samang online votes, nanguna si Isabel Laohoo ng Adult Kumunity sa botohan na nakakuha ng 52.84% ng total votes. Si Rob Blackburn naman mula sa Teen Kumunity ang may pinaka-mataas na boto na may 43.47% na kabuuang boto para masungkit ang huling pwesto sa Big 5.

Makakasama nila Isabel at Rob ang Celebrity Kumunity housemates na sila Anji Salvacion, Brenda Mage, at Samantha Bernardo na una nang naka-pasok sa Big 5 matapos mag-tagumpay sa mga hamong ibinigay ni Kuya sa linggong ito.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Agad namang sumalang ang Big 5 housemates sa bigating tanong para mas makapili ang taumbayan ng hihiranging pinaka-bagong Big Winner.

Ang tatanghaling Big Winner ay mag-uuwi ng P2 million; P500,000 naman ang 2nd big placer; P300,000 ang 3rd big placer; P200,000 ang 4th big placer; at P100,000 ang 5th big placer.

Magaganap ang ‘Biga10 na Big Night’ bukas, Mayo 29, alas-siyete ng gabi.