Magsasagawa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng reblocking at repairs sa ilang kalsada sa Metro Manila ngayong weekend.

Sa inilabas na traffic advisory ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), dakong 11:00 ng gabi ngayong Biyernes sisimulan ng DPWH ang pagkukumpuni sa mga sumusunod na lugar. 

Kabilang rito ang EDSA Santolan San Juan City innermost lane (bus way) Southbound magmula sa Santolan-Annapolis MRT Station patungo hanggang V.V. Soliven Driveway; 

EDSA Quezon City NB/ EDSA Quezon City SB paglampas ng P. Tuazon (Service Road) katabi ng sidewalk, harapan ng Cubao Farmers (2nd lane ng bus lane), bago at pagkalampas ng  Kamuning Road (2nd lane buhat sa sidewalk) at EDSA Southbound kanto ng Arayat katabi ng center island; 

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

C-5 Road NB (1st lane) paglampas ng Mckinley Road Makati City; 

C-5 Road SB (2nd lane) Makati City; 

Tandang Sora Ave., Quezon City Visayas Avenue hanggang San Miguel St.; 

Times Street Quezon City panulukan ng West Ave. harapan ng Kowloon House; 

Commonwealth Ave. Quezon City Zuzuarregui St. hanggang sa harapan ng Diliman Preparatory School (1st lane magmula sa sidewalk); 

EDSA SB Quezon City Service Road 1st block South Ave. intersection at 1st block buhat sa sidewalk kanto ng South Ave. hanggang Kamuning Road; 

C.P. Garcia Avenue Quezon City harapan ng U.P. Ayala TBI (1st block mula sa sidewalk); 

at C-5 Road Pasig City sa kahabaan ng Pasig Blvd. Southbound harapan ng Botikang Pinoy sa Doña Julia Vargas Westbound malapit sa Sitel building.

Ang mga apektadong kalsada ay bubuksan sa mga motorista sa Lunes, Mayo 30 sa ganap na alas-5:00 ng madaling araw.

Pinapayuhan ng MMDA ang mga motorista na dumaan sa mga alternating ruta upang hindi maabala.