"True love exists"

Masayang ibinahagi ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo ang kaniyang mensahe para sa nobyo na si Daniel Padilla para sa kanilang 10th anniversary. 

"Celebrated our special day in the most unforgettable way possible and enjoyed every minute of it," sey ni Kathryn sa kaniyang Instagram post na may kasamang mga larawan nila ni Daniel sa Thailand. 

"You know how much this trip means to me and how much I looove elephants, so without a question, you agreed to do this again with me right away. All you said to me was "kahit san mo gusto love, susunod ako after ng trabaho ko."" sey pa niya.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Sumunod lang si Daniel sa Thailand pagkatapos maglaro sa Star Magic 30th All Star Games. Nauna na si Kathryn doon kasama ang kaniyang kaibigan na si Alora Sasam.

"Thank you for making time for this trip, my love! Thank you for always making sure I feel loved and appreciated," pasasalamat ng aktres sa kaniyang partner.

"Looking back on our 10-year journey together, I find myself smiling with so much pride. Because we did it... We did it, love! True love exists. Someone like you still do exist.

"I love you so much. Happy 10th anniversary to my person!"

Kasalukuyan nasa Thailand ang reel-to-real couple at nililibot ang ilan sa mga tourist attraction doon.

Umabot sa mahigit isang milyon ang likes ng kaniyang anniversary post at umani rin ito ng mga pagbati mula sa mga kapwa artista.