Matapos ang matagal na paghihintay ng mga fans, opisyal nang ipinakilala ang mga bubuo sa Filipino adaptation ng Running Man Philippines nitong Biyernes ng gabi, Mayo 27.

GMA Running Man PH/Twitter

Sila Glaiza De Castro, Ruru Madrid, Lexi Gonzales, Kokoy De Santos, Angel Guardian, Buboy Villar, at Mikael Daez, ang official hosts ng nasabing reality game show.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Photo courtesy: Kokoy De Santos/IG

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Glaiza De Castro ang pasasalamat at pananabik sa pagsisimula ng bago niyang proyekto sa Kapuso network.

“YUNG TIBOK NG PUSO KO!!! Pwede na naming i-share! So honored and excited to be one of the hosts of @gmarunningmanph!” Saad ni Glaiza.

Ang Running Man Philiipines ay pagsasama ng GMA network at SBS 예능팩토리. Ito ang longest-running reality game show sa South Korea.