Inihatid na sa kaniyang huling hantungan ang yumaong 'Queen of Philippine Movies' na si Susan Roces ngayong Huwebes, Mayo 26.

Mula sa kaniyang burol sa Heritage Park sa Taguig ay inihatid ang kaniyang mga labi sa Manila North Cemetery kung saan naroon ang puntod ng yumaong mister na si Da King Fernando Poe, Jr.

Sa pangunguna ni Sen. Grace Poe, nasaksihan ng kanilang mga kapamilya, kaanak, at kaibigan ang paglilibing sa mga labi ng aktres.

Nasa 200 pulis umano ang itinalaga sa loob at labas ng sementeryo upang tiyakin at panatilihin ang seguridad at daloy ng trapiko sa naturang lugar.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

https://twitter.com/manilabulletin/status/1529710859492425728

Sa huling lamay nitong Mayo 25 ay nakadalaw pa si Pangulong Rodrigo Duterte upang magbigay-pugay sa namayapang aktres. Noong Martes naman, Mayo 24, bumisita naman si President-elect Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. kasama ang asawang si Liza Araneta Marcos.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/26/duterte-bumisita-sa-burol-ni-susan-roces/">https://balita.net.ph/2022/05/26/duterte-bumisita-sa-burol-ni-susan-roces/

Namayapa ang premyadong aktres dahil umano sa sakit sa puso noong Biyernes ng gabi, Mayo 20.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/20/showbiz-icon-susan-roces-pumanaw-na/">https://balita.net.ph/2022/05/20/showbiz-icon-susan-roces-pumanaw-na/