ISABELA - Patay ang asawa ng isang huwes matapos barilin ng riding-in-tandem habang papauwi sa Ilagan City nitong Miyerkules.

Dead on arrival sa ospital ang biktimang kinilala ng pulisya na si Agnes Cabauatan-Palce, misis ni Ilagan City Regional Trial Court Branch 40 Judge Ariel Palce, dahil sa tama ng bala sa kanang panga.

Naiulat ng pulisya, papauwi na sana ang biktima, sakay ng kanyang kotse nang mag-overtake ang isang motorsiklo lulan ang dalawang lalaki at binaril ito sa Barangay San Felipe nitong Mayo 25.

Matapos ang pamamaril, agad na tumakas ang dalawa patungo sa hindi mabatid na direksyon.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Ayon sa pulisya, si Palce ay nagtatrabaho rin sa Isabela Electric Cooperative (Iselco 2) bilang Internal Audit manager.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang kaso upang matukoy ang mga suspek at motibo sa pamamaslang.