Muling binanatan ni showbiz columnist Manay Lolit Solis ang Kapuso actress na si Bea Alonzo, sa latest Instagram post nito ngayong Mayo 26.

Kung ihahambing daw kay Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang aktres ay mas mukha itong matanda kaysa sa una, na may asawa't mga anak na.

"Paano kaya ang gagawin ng Beautederm na pag launch sa dalawa nilang endorser na sila Marian Rivera at Bea Alonzo, Salve. Kasi ang ganda ganda ni Marian Rivera kahit may 2 anak na, samantalang mukhang mas matanda si Bea Alonzo na wala pang asawa at anak." sey ni Lolit.

Bukod sa kani-kanilang mga hitsura ay puring-puri ni Lolit ang work ethics ni Marian.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

"Imagine mo na sa presscon lang kita mo na ang big difference ng dalawa, si Marian, advance ng kalahating oras, samantalang si Bea LATE ng 2 oras. Grabe ang difference di bah! Kaloka! Eh mas sikat si Marian Rivera, mas maganda at mukhang bata pero hindi late dumating at hindi binigyan ng sakit ng ulo ang Beautederm, heto si Bea na parang starlet na lang ngayon, mukhang matanda, ewan bakit ghosting ni Gerald Anderson, at sa edad niya hanggang ngayon wala pa rin anak pero mas maganda pa rin katawan ni Marian Rivera."

Sana makahanap na raw si Bea ng jowa para mapakasalan na siya at nagkakaedad na. Ang kasalukuyang boyfriend ni Bea ay ang aktor na si Dominic Roque.

Kapag ipinagtabi, mukha na raw siyang tiyahin ng kaniyang katambal sa remake ng 'Start-Up' na si Asia's Multimedia Star at Pambansang Bae Alden Richards.

"Parang hindi na bagay si Bea Alonzo dahil sapaw siya sa beauty ni Marian. Saka dapat makakita na siya ng BF na hindi siya ghosting at pakasalan na siya dahil nagkaka-edad na siya. Sana nga doon sa mga commercials nila na mukha siyang Tita ni Alden Richards mas maging mukha na siyang bata at fresh looking."

"Hay naku, lahat ng make up artists ipatawag na para mag ayos kay Bea at sana huwag ng sita ma-late ha, sumakit ang ulo ng mga writers sa paghihintay sa kaniya, at Bea Alonzo, huwag ka nang magpagod ipa-cancel kami nila Gorgy at Salve, hindi namin pinangarap maghintay ng 2 oras sa isang starlet na tulad mo noh! Kalokah!"

Hindi ito ang unang beses na binatikos ni Lolit si Bea.

Matatandaang nanggalaiti ang showbiz columnist sa kaniya gayundin sa talent manager niyang si Shirley Kuan, nang hindi raw siya payagang makadalo sa launching event ng beauty product.

Basahin:

https://balita.net.ph/2022/03/23/manay-lolit-tumalak-matapos-ipatanggal-siya-umano-ni-bea-alonzo-sa-isang-launching-event/">https://balita.net.ph/2022/03/23/manay-lolit-tumalak-matapos-ipatanggal-siya-umano-ni-bea-alonzo-sa-isang-launching-event/

Samantala, nananatiling tahimik ang kampo ni Bea Alonzo sa mga patutsada sa kaniya ni Lolit.