Maraming nagtataka kung bakit nawala na sa season 2 ng nagbabalik na 'Idol Philippines' (Philippine version ng 'American Idol) si Unkabogable Star Vice Ganda.

Batay sa inilabas na teaser, ang bubuo na sa panel of judges ay ang dalawa sa mga original judges na sina Regine Velasquez-Alcasid at Moira Dela Torre, kasama sina Gary Valenciano at Chito Miranda ng bandang Parokya ni Edgar.

Si James Reid ay nasa ibang bansa na para pursigihin ang kaniyang international singing career, at kamakailan lamang ay naispatan silang magkasama ng Kapamilya actress na si Liza Soberano, na nasa pangangalaga na raw ng talent management agency ni James.

Si Robi Domingo naman ang magiging host nito. Matatandaang ang maingay na papalit kay Billy Crawford ay si Anne Curtis, na magbabalik na sa 'It's Showtime'.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/22/robi-domingo-ipinakilala-bilang-bagong-host-ng-idol-philippines-season-2/">https://balita.net.ph/2022/05/22/robi-domingo-ipinakilala-bilang-bagong-host-ng-idol-philippines-season-2/

Hindi rin tuloy ang napabalitang uupo bilang hurado sina Rico Blanco at Daniel Padilla.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/13/anne-curtis-bagong-host-daw-ng-idol-ph-season-2-daniel-padilla-at-rico-blanco-pasok-sa-banga/">https://balita.net.ph/2022/04/13/anne-curtis-bagong-host-daw-ng-idol-ph-season-2-daniel-padilla-at-rico-blanco-pasok-sa-banga/

Anyare kay Meme?

Ayon kay Ogie Diaz sa May 23 episode ng kaniyang entertainment vlog na 'Ogie Diaz Showbiz Update', originally ay kasama talaga si Vice Ganda sa line-up, lalo na nang mabalitaan nitong makakasama na nila si Popstar Royalty Sarah Geronimo.

Gustong-gusto raw kasi makatrabaho ni Meme Vice si Sars na ngayon ay naka-indefinite leave at hindi pa malaman kung kailan ba magbabalik-showbiz, matapos ang pagpapakasal nila ng mister na si Matteo Guidicelli.

Pero nang hindi na matutuloy ang Popstar Royalty sa Idol Ph, tila nawalan ng gana si Vice kaya bumack out na lang din siya.

Nang tanungin daw kung sino ang mairerekomenda niyang posibleng pumalit sa kaniya, si Chito Miranda umano ang binanggit niya---para may isa raw sa mga judges na 'abot ng masa'.

Inamin naman ni Chito na noong una ay nagdalawang-isip siyang tanggapin ito.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/05/21/chito-miranda-bakit-nagdalawang-isip-maging-hurado-ng-idol-philippines/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/05/21/chito-miranda-bakit-nagdalawang-isip-maging-hurado-ng-idol-philippines/

Nalungkot daw sina Regine at Moira nang malamang hindi na nila makakasama si Vice Ganda. Nangako naman daw si Meme kay Moira na kung sakaling may mam-bash dito ay ipagtatanggol niya ito.

Bukod sa 'It's Showtime', wala pa raw ibang proyekto ang Unkabogable Star na kapalit ng Idol Ph.

Pinabulaanan din ni Ogie ang mga chikang lilipat na sa Kapuso Network si Vice, ayon sa kanilang pag-uusap.

Samantala, panoorin ang kabuuan ng vlog ni Ogie: