Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang pagpapakasal ng basketball player na si Robert Bolick at social media personality na si Cassandra Yu.

Tila hindi naman nagustuhan ng nanay ni Robert na si Zeny Bolick ang ginawang pagpapakasal ng anak kay Cassandra, na sinabihan niyang hindi niya gusto para dito.

Kumambyo naman ang kapatid na babae ni Cassandra na si Maria Carmela Yu at ipinagtanggol ang kapatid.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/25/nanay-ni-robert-bolick-kapatid-na-babae-ni-cassandra-yu-nagbardagulan-dahil-sa-kasalan/">https://balita.net.ph/2022/05/25/nanay-ni-robert-bolick-kapatid-na-babae-ni-cassandra-yu-nagbardagulan-dahil-sa-kasalan/

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Tila nagparinig naman daw ang ex-girlfriend ni Robert na si volleyball player Aby Maraño tungkol sa naganap na kasalan.

"When the time is right — iretri mo," saad ni Aby sa kaniyang tweet noong Mayo 24.

https://twitter.com/Abymarano/status/1528915948266135554

"Huy! Tama na pagtatag sa akin ng 'Tyang Aby shot puno'," saad pa sa isang tweet.

https://twitter.com/Abymarano/status/1528915871879483392

Sa isang mahabang Facebook post nitong Mayo 24 ay tila may pasabog ang basketball player sa ex.

"Di porket tahimik at di nagsasalita akala n'yo guilty hindi lalaki kasi ako tahimik lang kahit sinisiraan na ok lang kasi ganun naman talaga sa society ngayon pag lalaki? Yun parati may kasalanan yun parati may mali pero parang may hangganan rin kailangan na rin mag salita."

Nabanggit ni Robert ang tungkol sa 'pagpapalaglag'.

"Una sa lahat Aby 'wag ka masyado feeling victim alam mo naman yung rason bakit ganun alam mo ginawa mo kumalat pa nga eh pero never ko linabas kasi kailangan pag usapan yun as a couple para ayusin kasi ganun naman dapat eh di bah? Bakit lalabas mo pa kahit nakalabas na nga di parin ako nag react pag usapan dapat natin dalawa hindi kailangan eh labas pero ganun ka eh linalabas mo eh well para naman m protektahan ko sarili ko saka asawa ko kasi masyado ka na diyan tsaka sobra na rin alam mo ginawa mo, buntis ka tapos nagpalaglag ka tama ba yun?"

"Sino banaman lalaki gusto sumama sa isang babaeng ganun? Mismo pamilya mo di alam paano pa kaya teammate mo alam ba nila? lalo na pamilya ko ngayon for sure alam na nila ngayon kaya ganyan sila kasi di naman nila alam mangyayari kasi lalaki ako eh ganun kami tinatago sa sarili feeling malakas pero na tatamaan na sa loob dapat pag usapan lang di na kailangan eh labas may pride kami nakakahiya yung ganun kasi problema natin yun di sa tao at tsaka bata yun walang kinalaman 'yun."

Ipinagpapasalamat umano ni Robert na dumating sa buhay niya si Cassandra, at hindi raw siya inagaw nito kay Aby.

"Ok? Kasi parang masyado ka masaya diyan na sinisiraan ako eh alam mo yung katotohanan? Yan ba gusto mo Makasama? Di ba? Kaysa protektahan aba masaya pa sinisiraan kaya nga nagpapasalamat ako na dumating asawa ko ngayon wala naman talaga siya kinalaman eh di naman nang-agaw, never nangyari 'yun eh decision ko talaga na makipagkita na sa iba kasi wala na tayo eh, alam mo kasalanan mo tanggapin mo at alam ko rin kasalanan ko at tanggap ko 'yun, pinag dasal ko rin sa Diyos yun kasi normal tao tayo nagkakamali ganun talaga buhay for sure may dadating sa buhay mo na para sayo at sana mahanap mo yun."

May mensahe rin siya sa kaniyang pamilya na hindi pa tanggap ang kanilang kasal ni Cassandra.

"Sa aking pamilya mahal na mahal ko kayo di n'yo lang talaga alam nangyayari for sure kasalanan ko kasi di ako nagsabi pero paano mo sabihin mga ganung bagay sa pamilya mo? Pero kahit ganun paman mahal na mahal ko kayo at welcome kayo sa buhay namin ni Cassandra at sa magiging anak namin in the future."

"Learning point 'wag kayo masyado manghusga kahit tahimik lang lalo na di n'yo alam buong istorya di porket lalaki kami aba kami kaagad may kasalanan lahat 'yan may istorya dapat di n'yo nga 'to malaman kasi dapat within the circle lang kasi mga ganitong problema dapat pag-usapan n'yo, wag n'yo masyado ilabas sa social media kasi di nakakatulong 'yan, maganda lang yan for memes, nakakatawa pero pag may problema kayo pag-usapan n'yo at magtulungan."

May mensahe rin siya sa kaniyang misis na si Cassandra.

"Sa asawa ko, pasensya at maraming salamat sa sobrang tatag mo na kahit ano binabato sa'yo kahit di naman totoo nandito ka pa rin sa akin at minamahal mo ako nang sobra-sobra, kaya tayo nag-asawa kasi click tayo at para tayo sa isat isa. For sure may reply siya dito kilala ko 'yun, ito istorya ko iba rin istorya niya kaya diyan pa lang alam n'yo na di kami para sa isa't isa."

Samantala, wala pang tugon o reaksiyon si Aby Maraño sa mga pahayag ni Robert Bolick.

Umugong ang tungkol sa relasyon nina Robert at Cassandra noong Oktubre 2021.

Sa buradong IG post, makikita si Bolick na nakaakbay sa bago nitong jowa umano habang nasa bakasyon sila sa Cebu City. Agad na nagkomento rito ang girlfriend noon ni Bolick na si Abigail 'Aby' Maraño.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/10/26/robert-bolick-may-bagong-jowa-ara-galang-rumesbak-para-sa-kaibigan/">https://balita.net.ph/2021/10/26/robert-bolick-may-bagong-jowa-ara-galang-rumesbak-para-sa-kaibigan/

"Solid naman ng vacation n'yo? Hindi ko alam may bago ka na,” sey ni Maraño.

Sa isa pang IG post ulit ni Bolick, makikitang nasa restaurant siya kasama ang naturang babae. Hindi na ito pinalampas ng volleyball star at kaibigan ni Aby na si Ara Galang.

"ULOL GAGO KA," malutong na mura ni Ara sa comment section ng naturang IG post.

Agad namang nagsara ng comment section si Bolick.