Kamakailan lamang ay napabalita ang chikang lilipat na umano sa Kapuso Network si Unkabogable Star Vice Ganda.
Ayon kay Mama Loi, co-host ni Ogie Diaz sa kanilang entertainment vlog na 'Ogie Diaz Showbiz Update', may nakakita umano kay Vice na nakikipagpulong sa dating direktor sa ABS-CBN na si Direk Edgar 'Bobot' Mortiz, at ngayon ay associated na sa Kapuso Network. Siya ang direktor ng sitcom ni John Lloyd Cruz na 'Happy ToGeTher' simula nang lumipat na ito sa GMA.
Usisa raw ng mga 'Marites', ano raw kaya ang pinag-usapan ng dalawa? May mga kumakalat ding espekulasyong baka si Meme ang napipisil daw na pumalit sa iniwang time slot ni Willie Revillame sa Kapuso Network (Wowowin).
Sey naman ni Ogie na kaibigan at dating talent manager ni Vice, bagama't wala siyang alam sa mga detalye ng pag-uusap nina Vice at Direk Bobot, ang alam niya, kaya nagkita ang dalawa ay para pag-usapan ang isang show abroad. Kung may iba pa raw napag-usapan, wala na siyang ideya.
Nakukuwestiyon din umano ang no show ni Vice sa birthday celebration ng isa sa mga big boss ng ABS-CBN na si Cory Vidanes.
Natanong din nila kung may network contract pa ba si Vice sa ABS, bagama't araw-araw pa rin namang napapanood ang komedyante-TV host sa noontime show na 'It's Showtime'.
Sa kalakaran daw ng contract signing ngayon ng mga big star na kagaya ni Meme, dapat daw kasi ay may pa-special event para dito. O baka naman may existing contract pa siya sa ABS kaya hindi pa nagaganap ang pirmahan ng kontrata.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/21/vice-ganda-iniintriga-lilipat-na-nga-ba-sa-kapuso-network/">https://balita.net.ph/2022/05/21/vice-ganda-iniintriga-lilipat-na-nga-ba-sa-kapuso-network/
Sa latest episode ng Ogie Diaz Showbiz Update noong Mayo 23, naibahagi ni Ogie na nakapag-usap na sila ni Vice. Itinanggi ni Vice ang bali-balitang ito. Aniya, wala naman daw saysay na lumipat pa siya sa Kapuso Network gayong nakikita naman daw ang mukha niya roon.
Ang tinutukoy ni Vice ay ang pag-ere ng ilang mga patok na movies ng Star Cinema sa GMA, matapos ang kanilang partnership.
Naungkat din na apat na taon na palang walang kontrata sa ABS-CBN si Vice, subalit siya ay nananatili pa rin sa 'It's Showtime' kung saan siya unang sumikat.
Lalo pang tumibay ang chikang baka nga totoo ang pag-ober da bakod ng TV host dahil nagpamudmod siya ng 5,000 piso sa staff ng noontime show kamakailan lamang; ito na raw ba ay pa-last day niya?
Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/21/vice-ganda-namigay-ng-%e2%82%b15000-cash-bonus-sa-buong-staff-ng-its-showtime/">https://balita.net.ph/2022/05/21/vice-ganda-namigay-ng-₱5000-cash-bonus-sa-buong-staff-ng-its-showtime/
Nag-usap sina Vice at Direk Bobet dahil nais daw makita ang TV host-comedian ng organizer ng show abroad na isa sa mga proyekto ngayon ng direktor.
Anyway, matatandaang sinabi na noon ni Vice na hindi niya iiwanan ang ABS-CBN dahil hindi ito nang-iwan sa kaniya noon.
Sa January 16, 2021 episode ng noontime show, naungkat ni Vice ang pagpapakain ng alikabok ng AlDub (Alden Richards at Yaya Dub/Maine Mendoza) sa 'It's Showtime', sa kasagsagan ng pamamayagpag ng Kalyeserye ng kalabang noontime show na 'Eat Bulaga' noong 2015.
“Ako talaga, hinanda ko na ‘yung sarili ko. Feeling ko talaga, tatanggalin kami noong panahon ng AlDub. Feeling ko wala nang nanonood ng ‘Showtime.’ Parang buong Pilipinas, nakatutok sa AlDub.”
"Parang hindi ka dapat nanonood ng ‘Showtime,’ dapat lahat tayo nakatutok lang sa AlDub. Yung ganun. Tapos ang baba-baba na ng ratings ng ‘Showtime.’”
"Tinanggap ko na feeling ko, anytime soon, tatawagan ako ng management. Tapos sasabihin, ‘We are cancelling the show.’ Tanggap ko ‘yun. Tapos, hindi nangyari. Hindi ginawa ng ABS-CBN. Hindi ako nilaglag. Hindi nilaglag ‘yung show."
"That’s why he’s been very vocal about fighting for ABS-CBN’s franchise renewal, which was denied in July last year."
“‘Yun ang pinanghahawakan ko eh. Magkamatayan na. Hindi ko iiwanan itong ABS-CBN ngayon. Kasi noong nangyari ito sa buhay ko, hindi ako iniwanan ng ABS eh. Lahat kaming hosts, lahat kaming show, isama na natin yung director namin, hindi ‘yan iniwanan ng ABS noong mukha na kaming kawawa at halos patay na kami… Ngayon na nangyayari ito sa ABS, hindi rin kita iiwanan katulad ng hindi mo pang-iiwan sa akin noon,” aniya.
Hanggang ngayon ay wala pang bagong prangkisa ang ABS-CBN subalit napapanood naman ang mga programa nito sa mga online platforms at iba pang partnered TV networks gaya ng A2Z Channel 11 at TV5.
Panoorin ang naturang May 23 episode ng 'Ogie Diaz Showbiz Update'.