Napanalunan ng isang mananayang taga-Quezon ang mahigit sa ₱100 milyong jackpot sa isinagawang bola ng 6/58 Ultra Lotto nitong Martes ng gabi.

Sa pahayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nahulaan ng solo winner ang winning combination na20-22-09-54-06-19 na may katumbas na premyong₱100,064,568.00.

Ayon sa PCSO, ang ticket ay nabili sa Gen. Luna sa nasabing lalawigan.

Makakukuha naman ang selling agent ng isang porsyento ng nabanggit na premyo.

National

Kahit nasa ₱700M na lang ang budget: OVP, tuloy pa rin ang trabaho

Ang napanalunangpremyo ay bubuwisan ng 20 porsyento alinsunod na rin sa TRAIN (Tax Reform for Acceleration and Inclusion) Law.

Pinayuhan naman ang nanalo na magtungo na lamang sa PCSO Main Office sa Mandaluyong at dalhin ang winning ticket at dalawang valid identification (ID) cards upang tanggapin ang premyo.