LA TRINIDAD, Benguet – Arestado ang 12 hinihinalang tulak ng droga habang mahigit P3-milyong halaga ng mga halaman ng marijuana ang napuksa sa Benguet at Kalinga sa isang linggong anti-illegal drug operation.

Sa ulat ng Police Regional Office-Cordillera Regional Operations Division, noong Mayo 15 hanggang 21, naitala ng Baguio City Police Office ang pinakamataas na bilang ng mga naaresto na may anim na drug personalities na sinundan ng Apayao Provincial Police Office (PPO) at Benguet PPO na may tig-dalawang naaresto at Abra PPO at Kalinga PPO na may tig-iisang nasakote.

Sa Baguio, kinilala ang mga naarestong drug personalities na sina Arjay Simeon, 25; Ibalson Cadangen, 37; Rey Christopher Abero, 38; Ronald Ellana, 33; Janewen Lui, 42; at Karlo Ibarra, 31.

Sa Apayao, inaresto ng pulisya sina John Arian Magro, 27, at Cleo Tabbu, 40. Arestado sa Benguet sina Joemamel Dipatuan, 37, at Ellaine Cariaso, 37.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Nahuli ng mga awtoridad sina Jojemar Bagni, 31, sa Abra, at Gian Vincent dela Cruz, 29, sa Kalinga.

Nasamsam sa magkahiwalay na buy-bust operation ang kabuuang 18.19 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price (SDP) na P123,692 at nakumpiska ang kabuuang 1000.9 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na may SDP na P120,108.

Sa patuloy na pagpuksa ng marijuana sa Benguet, nasira ng pulisya ang kabuuang 4,350 fully grown marijuana plants (FGMJP) na may SDP na P870,000 at 5,000 piraso ng pinatuyong dahon ng marijuana na may SDP na P600,000.

Sa Kalinga, may kabuuang 8,500 fully grown marijuana plants na may SDP na P1.7 milyon at 1,000 gramo ng marijuana seeds na may SDP na P25,000 ang nawasak.