Naaresto ng mga awtoridad ang tatlong pinaghihinalaang smuggler matapos masamsaman ng mahigit sa ₱4.2 milyong halaga ng puslit na sigarilyo sa ikinasang operasyon sa Zamboanga City kamakailan, ayon sa pahayag ng Philippine National Police (PNP) nitong Miyerkules.

Ang mga suspek ay kinilala ni PNP Officer-in-Charge Lt. Gen. Vicente Danao, Jr. na sina Khan Adin; Aldin Sabtal; at Benshariff Bari, pawang nasa hustong gulang. 

Sa ulat ng pulisya, dinakip ang mga suspek matapos habang sakay ng isang closed kung saan nakakarga ang mga puslit na sigarilyo sa Barangay Cabatangan, Zamboanga City.

Nasamsam ng mga awtoridad ang 121 na karton ng sigarilyo na tinatayang aabot sa ₱4,235,000.

Probinsya

Higit 1 buwang nawawala: Mangingisda mula sa Quezon, inanod sa Batanes!

“This wouldn’t be possible without the careful intelligence gathering of our personnel and the strong cooperation among our stakeholders,” pagdidiin pa ni Danao.

Pansamantalang nakapiit ang mga suspek na nahaharap sa kaukulang kaso.