Hindi lamang iba't ibang games ng mga artista ang pinag-usapan sa Star Magic All-Star Games 2022 na ginanap sa Smart Araneta Coliseum noong Mayo 22 kundi umeksena rin ang kakiligan sa mga tambalan at magjojowa.

Bukod pa kina Andrea Brillantes at Ricci Rivero na halos langgamin na sa lambingan, umeksena rin ang dating Hashtags member na si Zeus Collins matapos niyang mag-propose sa kaniyang girlfriend na si Myka Pauline Redondo, sa mismong event.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/22/andrea-ricci-halos-langgamin-dahil-sa-sweet-na-lambingan-sa-star-magic-games-2022/">https://balita.net.ph/2022/05/22/andrea-ricci-halos-langgamin-dahil-sa-sweet-na-lambingan-sa-star-magic-games-2022/

"Hindi ako nakapaglaro nang maayos sa basketball kasi sobrang kinakabahan ako para dito, yung tipong di pa nag-start ang game putlang-putla na ako," pahayag ni Zeus sa kaniyang Instagram post nitong Mayo 23.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Lumuhod si Xeus sa harapan ni Pauline at ipinakita rito ang kaniyang singsing. Bawing-bawi naman dahil natanggap ni Zeus ang inaasam na matamis na oo mula kay Pauline.

Pero ito at nangyari na nga ang pinapangarap at pinagdadasal ko na mahanap na ang makakasama ko habang buhay. Sobrang saya ko at nag-YES ka mahal na mahal kita MYKA PAULINE REDONDO, Thank Lord kasi siya ang binigay mo sa akin, iingatan kita at mamahalin nang sobra gaya ng pagmamahal ni Lord sa atin."

"Syempre di ko naman magagawa to mag-isa kung wala ang mga kasabwat. Thank you @praybeytbenjamin at Team Showtime sa malupit na plano kahit masakit talaga ang bagsak ko. At Ronnie pumayag na gawin kahit 2 fouls ang kailangan. Thank you din kuya @rycrafael!"

"Mahal ko kayo at diko malilimutan, to my love Pauline marami pa tayong pagsubok na pagdadaanan pero kasama natin palagi si Lord at malalagpasan natin ang lahat."

Tatlong taon nang magkasintahan sina Zeus at Pauline. Bago ang engagement na ito ay naintriga kamakailan si Zeus dahil inungkat ng mga netizen ang isang malisyosong video umano nila ni Chie Filomeno.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/14/zeus-pumalag-sa-scandal-issue-nila-ni-chie-baka-naman-si-zeus-maryosep-napanood-nyo/">https://balita.net.ph/2022/05/14/zeus-pumalag-sa-scandal-issue-nila-ni-chie-baka-naman-si-zeus-maryosep-napanood-nyo/

Itinanggi ni Zeus ang naturang mga akusasyon gayundin si Chie.