Muli na namang kinuyog ng mga netizen ang singer na si Skusta Clee o 'Daryl Ruiz' sa tunay na buhay, matapos niyang magpatutsada sa kaniyang Facebook posts.

kahapon ay bumulaga sa kaniyang makahulugang social media post na "Not my baby," na ngayon ay burado na.

Sa isa pang Facebook post, sinabi naman niya na "Mababang uri ng tao. Gets n'yo na 'yon."

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Screengrab mula sa FB/Daryl Ruiz a.k.a. Skusta Clee

Sumunod naman, ibinahagi niya ang cover ng singer na si Flow G, sa kantang 'Praning' na inawit nito sa Wish 107.5. Nilagyan niya ito ng caption na "Tangina gago talaga."

Flow G (Screengrab mula sa FB/Daryl Ruiz a.k.a. Skusta Clee)

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen, lalo't hinuhulaan nila kung sino ba ang tinutukoy nitong 'Not my baby'.

"Not my baby ka pang nalalaman. Hoy gumising ka nga para makita mo yung mga sinayang mo!"

"Babaerong feeling pogi."

"Ang itsura di inuugali, kaya wag mo pagsabayin, nalilito kmi sa kapangitan mo."

"Akala mo naman ikinagwapo mo na 'yang ugali mo, suwerte ka nga kay Zeinab minahal ka niya."

"Salamin, salamin…salamin sa dilim."

Kamakailan lamang ay umani rin ng iba't ibang reaksiyon at komento ang paglabas ng music video ng awitin nila ni Gloc-9 na 'Kumpisal'.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/15/mga-netizen-napa-react-sa-music-video-ng-kumpisal-ni-gloc-9-tampok-si-skusta-clee/">https://balita.net.ph/2022/05/15/mga-netizen-napa-react-sa-music-video-ng-kumpisal-ni-gloc-9-tampok-si-skusta-clee/

Bago ito, naging usap-usapan ang naging rebelasyon ng social media personality na si Zeinab Harake tungkol sa paghihiwalay nila ni Daryl.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/16/zeinab-harake-nasasaktan-pa-rin-sa-mga-nangyari-sa-kanila-ni-skusta-clee/">https://balita.net.ph/2022/05/16/zeinab-harake-nasasaktan-pa-rin-sa-mga-nangyari-sa-kanila-ni-skusta-clee/