Tinawag ni Kapuso comedian Pokwang ang atensyon ng kanilang internet service provider dahil halos isang linggo na raw silang pinapahirapan dahil sa hindi maayos na signal ng Wi-Fi.

Ngayong Mayo 24 ng umaga, diretsahang binanggit ni Pokwang ang Twitter accounts ng ISP niya.

"Goodmorning po @pldt @PLDTHome @PLDT_Cares sana nga may cares heheeehee one week na po walang silbi ang wifi namin woohoooo ginagawa po namin ang aming obligasyon bilang consumer sana kayo din po hello goodmorning…"

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

https://twitter.com/pokwang27/status/1528914969844420608

Sa comment section ay agad namang tumugon ang ISP.

"Hello there! Let's sort things out. Can we have your concerned telephone & contact numbers, so we can call you right after we conduct remote troubleshooting?"

Tumugon naman dito si Pokwang. "DM po ako (Direct Message)."

https://twitter.com/PLDT_Cares/status/1528915723178893312

Napa-react naman dito ang mga ordinaryong netizen. Kuwestyon nila, porke't artista ang nangalampag ay tila mabilis ang aksyon nila samantalang ang iba raw sa kanila ay matagal nang tumatawag sa kanilang opisina subalit tila mabagal ang pag-responde sa concerns.

Wala pang update si Pokwang kung naayos na ba ang concern niya sa internet.