Nakapanayam ni Toni Gonzaga ang kontrobersiyal na social media personality na si Toni Fowler, sa latest episode ng kaniyang award-winning talk show vlog na 'Toni Talks' na umere nitong Mayo 22, 2022.

Habang isinusulat ito, nasa #14 trending vlog na ito sa YouTube channel, na may 2,675,620 views.

Isa sa mga naungkat ni Toni Gonzaga ay ang pinagdaanang kontrobersiya ni Toni Fowler noong 2016---ang pagiging third party sa relasyong Jelai Andres at Jon Gutierrez.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Jon Gutierrez to Jelai Andres: 'If you wanna file annulment, that's fine  with me' – Manila Bulletin
Jon Gutierrez at Jelai Andres (Larawan mula sa Manila Bulletin)

"2016 noong unang sumikat yung pangalan mo dahil sa controversy, hindi mo alam na meron siyang asawa?" diretsahang tanong ni Toni G kay Toni F.

Sagot ni Toni F, hindi talaga siya aware na may ibang karelasyon si Jon; hindi rin daw kasi siya mahilig gumamit ng social media noon.

"Siyempre, maraming nagsasabi na imposibleng hindi kilala pero hindi talaga. Kasi galing ako sa puro ako trabaho tapos bigla ko siyang pinasok, bigla kong nakilala. So may konting panahon na hindi ko alam, so noong nalaman ko, tinry kong lumayo. Pero ang pinakamaling ginawa ko sa buhay ko is nag-comfort ako ng bagong break up. Ang sabi kasi break. Ngayon, noong time na tumira sa akin yung lalaki, sabi ko sa kaniya, 'Bakit magwawala yung babae kung break na kayo 'di ba? Sabi mo para na lang sa mga sponsors, para sa Facebook, kaya kayo.' Ako naman si uto-uto, ilang taon pa lang ako noon, naniwala ako," paliwanag niya.

"Pinaalis ko siya, pinaalis ko talaga siya no'n. May mga saksi na tao no'n na ako talaga ang nagsabi, 'Umuwi ka na doon sa babae kasi parang kayo eh. Sinungaling ka.' Taposs lumuhod siya sa akin, hindi ko makakalimutan 'yun. Ngayon magsasalita ako nang totoo talaga kasi ang tagal kong nanahimik diyan, 3 years akong nilubog ng issue na 'yan."

"Lumuhod siya, ang sabi niya sa akin, 'Pasensya na kung nadamay ka. I'm very sorry.' Iyak ako nang iyak tapos sabi niya, 'Puwede bang may pakiusap ako sa'yo? Pwede bang walang makakaalam nito? Nang totoong nangyari? Wala kang sasabihin, puwede bang tumahimik ka lang?' Yun. Nanahimik ako, 3 years."

Naalala pa ni Toni nang makita niyang nag-post sa social media sina Jon at Jelai na nakasuot na ito ng wedding dress.

"May nangyari pa nga na pinost niya yung girlfriend niya noong time na 'yun, pinost niya na naka-pang-wedding dress. Ang caption niya, 'Ikaw talaga ang babaeng dapat pakasalan.' Nag-message ako, 'O akala ko ba?' Sabi niya kasi, 'Gustong-gusto ko na bumalik sa'yo, para lang 'to for fame, for our projects kasi bayad kami rito. Di na rin talaga kami okay.'"

Noong 2019, muli na naman silang napag-usapan ni Jon dahil napabalita ang pagpunta raw ng dating karelasyon sa kaniyang bahay. Ang una pa nga raw nitong sinita sa kaniya ay ang pagpapadagdag niya ng boobs.

Kung may natutuhan man daw si Toni sa mga nangyari sa kaniya, ito ay ang huwag sasaktan ang kapwa babae. Huwag ding basta-basta maniniwala sa mga lalaki, at huwag palawakin ang mundo. May mga tao raw kasing kaya lang naman nakikipagkaibigan ay para makapang-Marites.

Naungkat din kung bakit mabilis siyang magpatawad sa kaniyang mga naging ex-jowa.

Aniya, gumaan daw ang pakiramdam niya simula nang magpatawad siya sa tatay ng kaniyang anak na si Tyronia. Kaya naman, ganoon din siya sa mga ex-boyfriend niya, kagaya na lamang ni Rob Moya.

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang pagbato niya sa singsing sa mukha ni Rob, nang lumuhod ito sa kaniyang harapan at tanungin siya kung puwede ba ulit manligaw sa kaniya.

"Kasi gumaan yung pakiramdam ko noong nagpatawad ako sa tatay ng anak ko, so nagpatawad din ako sa ex ko… sige lang, kaysa kaaway ko sila, 'di ba, kasi dati kong chinuchu** 'yang mga 'yan eh 'di ba, tapos biglang pababayaan mo na lang? Ano ba naman yung maging okay tayong lahat? May pinagsamahan tayo, bakit hindi na lang magkapatawaran?" paliwanag ni Toni Fowler.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/23/toni-fowler-pinapatawad-mga-ex-jowa-kaysa-makaaway-dati-kong-chinuchu-mga-yan-eh/">https://balita.net.ph/2022/05/23/toni-fowler-pinapatawad-mga-ex-jowa-kaysa-makaaway-dati-kong-chinuchu-mga-yan-eh/

Natanong ni Toni G kung napatawad na ba ni Toni F si Rob.

Aniya, kung babawiin nito ang sinabi niyang liligawan siya, ay baka mapatawad niya ulit ito. Baka raw maging magkaibigan ulit sila.

Kamakailan lamang ay in a relationship na sina Toni at si Vince Flores.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/17/toni-fowler-at-vince-flores-opisyal-nang-mag-jowa-rob-moya-etsa-puwera-na/">https://balita.net.ph/2022/05/17/toni-fowler-at-vince-flores-opisyal-nang-mag-jowa-rob-moya-etsa-puwera-na/

Bagama't napaiyak at buong-lugod naman daw itong tinatanggap ni Rob Moya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/19/rob-moya-nagparaya-na-kay-toni-at-bagong-jowang-si-vince-hindi-ko-mapigilang-umiyak-nang-umiyak/">https://balita.net.ph/2022/05/19/rob-moya-nagparaya-na-kay-toni-at-bagong-jowang-si-vince-hindi-ko-mapigilang-umiyak-nang-umiyak/

Matatandaang nagkahiwalay sina Toni at Rob na lumikha ng kontrobersiya na umabot pa sa pagpapa-Tulfo. Hindi naglaon, nagkaayos din sila. Tinulungan pa ni Toni si Rob na mag-propose sa bago nitong nililigawan.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/09/26/toni-fowler-matapos-ma-scam-ng-ex-bf-tumulong-mag-propose-sa-bago-nitong-nililigawan/">https://balita.net.ph/2021/09/26/toni-fowler-matapos-ma-scam-ng-ex-bf-tumulong-mag-propose-sa-bago-nitong-nililigawan/

Panoorin ang panayam ni Toni Gonzaga kay Toni Fowler: