Nakapanayam ni Toni Gonzaga ang kontrobersiyal na social media personality na si Toni Fowler, sa latest episode ng kaniyang award-winning talk show vlog na 'Toni Talks' na umere nitong Mayo 22, 2022.

Isa sa mga naungkat ni Toni ay kung bakit mabilis siyang magpatawad sa kaniyang mga naging ex-jowa.

Aniya, gumaan daw ang pakiramdam niya simula nang magpatawad siya sa tatay ng kaniyang anak na si Tyronia. Kaya naman, ganoon din siya sa mga ex-boyfriend niya, kagaya na lamang ni Rob Moya.

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang pagbato niya sa singsing sa mukha ni Rob, nang lumuhod ito sa kaniyang harapan at tanungin siya kung puwede ba ulit manligaw sa kaniya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"Kasi gumaan yung pakiramdam ko noong nagpatawad ako sa tatay ng anak ko, so nagpatawad din ako sa ex ko… sige lang, kaysa kaaway ko sila, 'di ba, kasi dati kong chinuchu** 'yang mga 'yan eh 'di ba, tapos biglang pababayaan mo na lang? Ano ba naman yung maging okay tayong lahat? May pinagsamahan tayo, bakit hindi na lang magkapatawaran?" paliwanag ni Toni Fowler.

Natanong ni Toni G kung napatawad na ba ni Toni F si Rob.

Aniya, kung babawiin nito ang sinabi niyang liligawan siya, ay baka mapatawad niya ulit ito. Baka raw maging magkaibigan ulit sila.

Kamakailan lamang ay in a relationship na sina Toni at si Vince Flores.

Bagama't napaiyak at buong-lugod naman daw itong tinatanggap ni Rob Moya.

Matatandaang nagkahiwalay sina Toni at Rob na lumikha ng kontrobersiya na umabot pa sa pagpapa-Tulfo.

Sa kasalukuyan ay may 2,675,620 views na ito at nasa #17 trending sa YouTube.