Tila ipinakita ni Kapuso actress Rhian Ramos na 'madali siyang kausap', sa isang basher na nang-okray sa kaniya at sinabihan siyang kamukha ni Petrang Kabayo at maghugas na lamang siya ng pinggan.

"Lookalike ni Petrang Kabayo, maghugas ka na lang ng pinggan hayop," saad ng hater niya.

Sey naman ni Rhian, "Madali akong kausap."

Kaya naman sa TikTok, panalong-panalo ang kaniyang sexy way ng paghuhugas ng pinggan na pinusuan naman ng mga netizen.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

"Hala! bakit ganyan pinggan mo Ri? Pero noong ako naghugas parang wala lang."

"Ganito pala dapat maghugas ng plato…"

"Ayoko na maghugas ng mga pinggan hahahaha."

Ang 'Petrang Kabayo' ay ang pelikulang unang pinagbidahan ni Roderick Paulate, na kalaunan ay nirevive naman ni Vice Ganda. Dito na nagsimula ang pagsikat ng Unkabogable Star.