Hindi itinanggi ng Kapamilya actress na si Lovi Poe na na-concious siya sa magkadikit na spiel nila kasama ang Kapamilya heartthrob na si Piolo Pascual.

All-set na ang Flower Of Evil na pagbibidahan nina Papa P at Lovi Poe, para sa pagpapakilala ng proyekto sa Pinoy audience. Ang remake ay hango sa hit Korean drama series sa parehong pangalan na pinagbidahan ng mga batikang Korean actors na sina Lee Joon-gi at Moon Chae-won.

Ang Flower of Evil ang kauna-unahang proyekto ni Lovi bilang bahagi ng ABS-CBN.

Basahin: Lovi Poe, certified Kapamilya na! Makakatambal si Piolo sa ‘Flower of Evil’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nitong Lunes, Mayo 23, ibinahagi na sa publiko ang official poster ng programa.

Isang maikling announcement spiel naman ang nagpa-concious kay Lovi habang sabay nilang sinasabi sa harap ng kamera.

Hawak ni Papa P sa baywang si Lovi at sunod na hindi nagtugma ang kanilang spiel at kalauna'y pinagtawanan na lang ng dalawa.

Kinakiligan naman ng netizens ang short clip na ibinahagi ni Lovi sa kanyang Instagram.

"I love the laugh with kilig LoL 😆."

"Cute ni miss lovie saka guapo ng Papa ko. ❤️"

"Kakilig be sana all! 😂"

"Nakakakilig nemen.😂😂"