Nakapanayam ni King of Talk Boy Abunda ang Viva actress na si Julia Barretto sa vlog episode nitong pinamagatang "“Who Are You When No One Is Watching?".

Isa sa mga naungkat ni Tito Boy ang ugnayan ni Julia sa kaniyang ex-boyfriend na si Joshua Garcia. Pag-amin ng aktres, maayos daw sila at nagkakapag-usap pa. Wala naman daw itong isyu sa current boyfriend niyang si Gerald Anderson.

“We don’t give up on our tandem. I’m in touch with him…definitely. One of the things I appreciate about him is that he respects Ge. And it shows how much he has matured a lot. He respects Ge and that means a lot to me,” pahayag ni Julia.

Sikat na sikat ngayon ang aktor, patunay ang pag-upload nito ng mga TikTok videos na wala pang isang araw ay umaabot na kaagad ng milyon ang views.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

"I tell him, 'How are you? May girlfriend ka na ba? Huwag ka munang maggi-girlfriend," payo raw niya sa ex.

"Sabi niya sa akin, 'Ba't ba ayaw mo ako magka-girlfriend?' Sabi ko, 'Basta, huwag ka muna magka-girlfriend. Enjoy what you have now,'" kuwento ni Julia.

"Because he's young and he's in his prime and he's a brilliant actor. It's not the time to be limited right now. I want him to really enjoy his time," dagdag pa ng aktres.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/23/julia-barretto-pinagbawalang-mag-jowa-ang-ex-na-si-joshua-garcia/">https://balita.net.ph/2022/05/23/julia-barretto-pinagbawalang-mag-jowa-ang-ex-na-si-joshua-garcia/

Natanong naman ni Tito Boy si Julia kung sakaling ayain na siyang magpakasal ng boyfriend na si Gerald Anderson. Papayag ba siya?

Yes daw ang magiging tugon niya kapag inaya na siya nito. Hindi na umano siya natatakot na lumagay sa tahimik kasama ang jowa. Ito na aniya ang nais niyang makasama habambuhay.

Handa na umano siyang bumuo ng pamilya, at kaya niya raw talikuran ang showbiz upang maibigay ang atensyon sa pag-aalaga ng kaniyang magiging pamilya.

Wala pang tugon o reaksiyon dito si Gerald.