Nilinaw at itinanggi ni Kapamilya singer Angeline Quinto ang mga akusasyong sugar mommy siya at pineperahan ng kaniyang jowang si Nonrev Daquina, na siya ring tatay ng kaniyang isinilang na anak.

Sa kaniyang latest vlog na "Meet Baby Sylvio + Q&A with Nonrev" na umere noong Mayo 20, matapang na iniharap ni Angeline si Nonrev sa publiko at diretsahang inusisa kung pera lamang ang habol nito sa kaniya.

"Bhe, kaya mo raw ako jinowa para perahan lang?" tanong ni Angeline.

Ngunit pabirong sagot ni Nonrev, baligtad daw ang sitwasyon. Siya raw talaga ang pineperahan ni Angeline.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Bagay na sinang-ayunan naman ng singer.

"Para malinaw sa lahat… hindi ako pineperahan ni Nonrev. Ako 'yung namemera sa kanya. Totoo ‘to! Kasi wala akong GCash, wala po akong GCash dito sa phone ko. So, every time magkukulang 'yung pera ko pambayad sa Grab, ganyan-ganyan, sa kanya ako nakikiusap."

"Tapos, magugulat na lang ako, nakalista lahat. Eh, sinasabi ko sa kaniya na babayaran ko naman talaga 'yon kasi hinihiram ko talaga."

Sa panahon daw ng kaniyang paglilihi, talagang napagastos daw ang kaniyang jowa para sa kaniya.

"Ang dami kong gustong kainin. Ang dami talagang moment na madaling-araw, wala talaga akong cash. Yung GCash niya, ubos na. So, from bangko niya, magta-transfer pa siya sa GCash niya para lang makapagbayad, nakakatawa 'yon," paliwanag ni Angge.

“Para lang malinaw sa inyo ha? Hindi ako pineperahan nito, ako pa 'yung namemera sa kaniya, sa totoo lang. Bigayan naman kaming dalawa. Kapag meron naman siyang gusto at kaya ko namang bilhin, ibinibigay ko naman. Pero wala namang moments na namemera," pagtatanggol pa ni Angeline.

Samantala, narito naman ang kabuuan ng vlog ni Angeline: