Tila hindi sang-ayon ang showbiz columnist na si Lolit Solis sa balak ng boyfriend ng singer na si Angeline Quinto na pasukin ang showbiz.

Nanindig-balahibo raw ang showbiz columnist nang mabasa ang balita tungkol dito.

"Parang tumayo balahibo ko Salve ng mabasa ko na gusto raw ni Angeline Quinto na mag-artista iyong non-showbiz father ng kanyang naging anak," ayon sa mahabang Instagram post ni Lolit ngayong Mayo 23.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"Sa nabasa ko na mga nasulat, may 3 ng anak sa 2 pang ibang babae iyon BF ni Angeline. Naanakan niya si Angeline Quinto, at ngayon may pangarap siyang pumasok ng showbiz. Bongga di ba! Parang ganoon kadali lang puwede na siyang maging celebrity?"

Iminungkahi tuloy ni Lolit nag mag-reality check ang boyfriend ni Angeline na si Nonrev Daquina at humarap sa salamin upang masuri ang kaniyang sarili.

"Parang nagka-anak ka sa 3 babae, puwede ka ng matinee idol? Feeling pogi at yummy dahil may mga babae na nagpa-anak sa kaniya? Iyan ilusyon dapat may realidad din. Check mo muna sa salamin o ikaw mismo sa sarili mo kung babagay ka ba sa mundo na papasukin mo."

Hindi raw ibig sabihin na 'naanakan' niya si Angeline Quinto ay uubra na siya sa showbiz. Dapat daw, pati ang Kapamilya singer ay mag-reality check na rin.

"Porke pinatulan ka at nagpa-anak ang isang Angeline Quinto, pang showbiz ka na? Puwede ka ng artista? Naku, dapat siguro magkaroon ng reality check pati si Angeline para naman iyon ulap sa mga mata nila mawala. Nagka-anak na sa 2 magka-ibang babae, pumayag kang anakan ka, tapos ngayon bibigyan mo ng ilusyon maging showbiz."

Payo niya kay Angge, huwag na raw sana nitong pasukin ang pagiging talent scout.

"Naku, sana na lang ang isipin mo ang magiging kinabukasan ng iyong anak Angeline, huwag mo ng pasukin ang trabaho ng pagiging talent scout. Baka maghanap lang ng iba pang babae na aanakan iyang BF mo sa showbiz kaya gusto pumasok, stop, look, listen ka muna. Ayaw ni Gorgy at Salve, kalokah!"

Samantala, wala pang tugon o rekasiyon sina Angeline o ang kaniyang BF tungkol dito. Nilinaw ni Angeline na hindi siya pineperahan ng kaniyang jowa.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/23/jowa-ni-angeline-quinto-inaakusahang-namemera-lang-daw-singer-nagsalita-na/">https://balita.net.ph/2022/05/23/jowa-ni-angeline-quinto-inaakusahang-namemera-lang-daw-singer-nagsalita-na/