Matapos ang pangangampanya at mag-concede ay nagbakasyon sa Japan sina Senador Manny Pacquiao at misis na si Jinkee Pacquiao, batay sa kaniyang Instagram updates.

Ibinida ni Mrs. Pacquiao noong Mayo 19 ang kaniyang OOTD o 'Outfit of the Day' kasama ang kaniyang branded bagelya at maleta.

Batay sa litrato ni Jinkee, naka-Dior Vibe sneaker siya na tinatayang nagkakahalagang $995 o ₱52,000), DiorXRimowa ang kaniyang suitcase na $4,100 o ₱214,000, at Dior din ang kaniyang book tote na tinatayang may presyong $3,500 o ₱183,000.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ibinida rin ni Jinkee ang kanilang mga kinain at lugar na kanilang pinuntahan sa Japan gaya ng Ginza Six sa Tokyo (kabisera ng Japan).

Isinagawa rin ang 'Manny Pacquiao Marathon 2022' ng Manny Pacquiao Foundation sa Tochigi Wanpaku Park.

Mukhang aprub naman sa mga netizen ang pagbabakasyon ng pamilya Pacquiao dahil deserve daw nila ito, matapos ang stressful na pangangampanya.

"Enjoy your life, Pac-Man… tell your people to vote you in as President next time."

"Pacquiao family, enjoy the most beautiful place on Earth, Japan."

"For me, you are the president of the Philippines. A great man with a kind heart and a beautiful intention for the Filipino."

"Enjoy your Japan trip, Manny and Jinkee!"

Kilala si Jinkee sa pagbili ng mga branded item na deserve naman niya dahil sa kasipagan niya sa pagnenegosyo.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/08/25/tingnan-ang-mga-designer-bags-ni-jinkee-pacquiao-habang-nasa-la/">https://balita.net.ph/2021/08/25/tingnan-ang-mga-designer-bags-ni-jinkee-pacquiao-habang-nasa-la/