Nakapanayam ni King of Talk Boy Abunda ang Viva actress na si Julia Barretto sa vlog episode nitong pinamagatang "“Who Are You When No One Is Watching?".

Isa sa mga naging paksa nila ay ang ugnayan ni Julia sa kaniyang ex-boyfriend na si Joshua Garcia. Pag-amin ng aktres, maayos daw sila at nagkakapag-usap pa. Wala naman daw itong isyu sa current boyfriend niyang si Gerald Anderson.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/23/julia-barretto-pinagbawalang-mag-jowa-ang-ex-na-si-joshua-garcia/">https://balita.net.ph/2022/05/23/julia-barretto-pinagbawalang-mag-jowa-ang-ex-na-si-joshua-garcia/

“We don’t give up on our tandem. I’m in touch with him…definitely. One of the things I appreciate about him is that he respects Ge. And it shows how much he has matured a lot. He respects Ge and that means a lot to me,” pahayag ni Julia.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Sikat na sikat ngayon ang aktor, patunay ang pag-upload nito ng mga TikTok videos na wala pang isang araw ay umaabot na kaagad ng milyon ang views.

"I tell him, 'How are you? May girlfriend ka na ba? Huwag ka munang maggi-girlfriend," payo raw niya sa ex.

"Sabi niya sa akin, 'Ba't ba ayaw mo ako magka-girlfriend?' Sabi ko, 'Basta, huwag ka muna magka-girlfriend. Enjoy what you have now,'" kuwento ni Julia.

"Because he's young and he's in his prime and he's a brilliant actor. It's not the time to be limited right now. I want him to really enjoy his time," dagdag pa ng aktres.

Sa kasalukuyan, isa si Joshua sa mga bankable young leading men ng Kapamilya Network. Inamin din ni Julia na bukas siya sa posibilidad na maibalik ang kanilang tambalan.

Bagama't maganda naman ang intensiyon ni Julia kung bakit niya sinabi iyon kay Joshua, may ilang mga netizen naman ang nagbigay ng interpretasyon na baka raw balak gawing 'spare tire' ng aktres ang ex, kung sakaling hindi sila nagkatuluyan ng kasalukuyang boyfriend na si Gerald Anderson.

Nakapanayam naman ng Philippine Entertainment Portal o PEP.ph si Joshua sa naganap na 'Star Magic 30 All Star Games' sa Smart Araneta Coliseum nitong Mayo 22, 2022. Dito ay naging tapat naman si Joshua sa pagsasabing nagkakausap pa sila ni Julia.

Pabirong tinanong nga niya ang ex kung bakit ito lang ang puwedeng mag-jowa. Pero seriously speaking, hindi naman daw nagmamadali ang aktor, lalo't bumubuhos ang mga trabaho sa kaniya.

Pagkatapos kasi ng 'Viral Scandal', aabangan naman siya sa most-anticipated action series ng ABS-CBN na 'Mars Ravelo's Darna: The TV Series' na pagbibidahan ni Jane De Leon.

Lahat daw pala ng naging jowa ni Joshua, naging kaibigan niya pagkatapos. Masaya naman siya sa estado ngayon ng relasyon nina Julia at Gerald.