Napasakamay ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group Special Operation Unit 4B (MIMAROPA) ang dalawang 'big time drug pushers' matapos masamsaman ng 500 gramo ng umano'y shabu na nagkakahalaga ng P3,400,000 sa ikinasang buy-bust operation sa Parañaque City, nitong Mayo 22.

Nasa kustodiya ng PNP DEG SOU 4 ang mga nahuling suspek na kinilalang sina Joshua Christopher Buenconsejo, 26, binata, residente sa 191 Rd7, Pildera II, NAIA, Brgy. 193, Pasay City; at Cyrel Lopez,27, binata,ng  282 Pildera II, NAIA, Pasay City. 

Ayon sa imbestigasyon ni Pat Jeffrey S. Gutierrez, may hawak ng kaso, nagsagawa ng buy-bust operation ang PNP DEG SOU 4B kasama ang SDEU at Sub Station 4 ng Parañaque City Police sa Room A7, Block 2, Narra St., Vera Ville, Brgy. San Isidro sa nasabing lungsod, dakong alas-2:00 ng hapon nitong Linggo na nagresulta ng pagkakaaresto nina Buenconsejo at Lopez.

Nakuha sa mga suspek ang mga pinaghihinalaang iligal na droga, marked money, dalawang lighter, dalawang digital weighing devices, dalawang gunting, cellphone, at assorted IDs.

National

OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga

Inihahanda na ng awtoridad ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban kina Buenconsejo at Lopez.