Ibinahagi ng award-winning actress na si Nadine Lustre ang kaniyang isinulat na tula para sa kaniyang sarili at sa iba pang mga netizen, na maging mabait sa kapwa, sa sarili, at huwag masyadong ma-pressure sa buhay, na mababasa sa website na 'The New Hue'.

Narito ang kabuuan ng kaniyang tula na pinamagatan niyang 'Hinga'.

Hinga.

‘Pag nararamdaman mo na masyado nang maingay. At sa paghingang ito ay bitawan mo ang pagkatakot mo sa oras."

Teleserye

Hindi nai-lock pinto ng CR: Shaina, 'nasilipan' si Piolo

“Madilim ang daan.

Tila nakapiring ang ating mga mata habang naglalakad, hinahayaan na lang ang mga paa. Hindi alam kung saan patungo.

Hindi alam kung saan hahantong.

Hindi ko na alam kung ano’ng gagawin.

Hindi ko na alam kung ano ang iisipin.

Saan nga ba ako papunta?

Bakit ko ba ‘to ginagawa?

Sino ka nga ba?

Sino ako?

Sino tayo?

Sa dami ng mga tanong ko, paulit-ulit kong inisip ang mga sagot… Hindi ito dumating noong sobrang iniisip ko ito.

Dumayo sa akin ang sagot noong hindi ko ito iniisip.

Nakakatawa talaga.

Yung mga hinahanap mo, hindi mo talaga mahahanap kung hahanapin mo. ‘Wag mong hanapin, makikita mo ito.

Hinga.

‘Pag nararamdaman mo na masyado nang maingay. At sa paghingang ito ay bitawan mo ang pagkatakot mo sa oras.

Ang takot na pakiramdam mo ay mauubusan ka na. Wala namang humahabol sa ‘yo.

‘Wag mo rin pilitin ang sarili mo sa mga bagay-bagay. Maniwala ka na kung para sa ‘yo—at kung oras mo—mangyayari ang mga kagustuhan mo.

Hinga.

Kahit hindi mo pa alam kung ano ba talaga ang layunin mo sa mundong ginagalawan. Hindi nakabababa ng pagkatao ‘yan.

Malalaman mo rin ang sagot sa takdang oras.

Hinga.

Kung ang alon ay masyadong malakas at mahirap hulaan, ‘wag sabayan. Kumalma at subukan mong sayawan ito.

Hinga.

Maging mabait sa iyong mga nakakasalamuha, maging tao man, hayop o kalikasan. Dahil ang pagtrato mo sa mga ito ay ang pagtrato mo sa sarili mo.

Hinga.

Maging mabait sa iyong sarili.

Sa dami ng iyong karanasan ay alam mo nang walang ibang kakampi sa ‘yo at walang makikiramay sa pinakamasakit na pagluha kundi ang sarili mo. Ibigay mo ‘yan sa kanya dahil kahit minsan, hindi ka niya tinalikuran.

Isa si Nadine sa mga celebrity na tumindig sa kaniyang paninindigang politikal, nang suportahan niya ang kandidatura ng Leni-Kiko tandem.

Hindi rin exempted si Nadine sa kaliwa't kanang bashing na cool naman niyang sinasagot at hinaharap.