Isa ang Kapamilya singer na si Kyla Alvarez sa mga tila apektado ng pagtaas ng presyo ng gasolina, matapos niyang ipahayag ang pagkadismayang ang mahal ng gasolina subalit hindi naman tumataas ang suweldo ng mga tao.

Ayon sa kaniyang tweet nitong Mayo 21, "Sobrang mahal ng gas. Pero yung sweldo ng mga tao hindi naman tumataas."

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

https://twitter.com/kylaessentials/status/1527793423570202625

Nagbigay naman ng reaksiyon dito ang mga netizen.

"Maling-mali no? Sa ibang bansa like dito sa Netherlands at Belgium naka-ilang beses nang tinaasan ang sahod kasi tumataas din ang cost of living ng lahat. Automatic 'yun lalo na taas presyo ng gas dahil sa giyera sa Ukraine. Pero nagrereklamo pa rin mga tao dito. Paano pa sa atin?"

"Soooo…. What are you going to do about it? Any suggestions that can help increase salaries of workers and at the same time not be a burden on employers? Or maybe a solution to end the worldwide oil crisis? Or are we just complaining here?"

"Kaya kailangan doble-kayod ang mga tao. Extra income sana meron lahat kung di mataasan sahod dahil may butterfly effect lahat sa ganyan."

"INFLATION. Noong nag-aral po ba kayo di po ba tinuro sa inyo ng guro n'yo? Economics po subject niyan ma'am or baka absent ka nang itinuro sa inyo 'yan?"

"Agree. Kaso pag tumaas sweldo, they find ways to invent new tax rates and higher mandatory itong sa contributions like SSS, Philhealth and Pag-IBIG."

Noong Marso, nagpahayag naman si Kyla na huwag basta-basta maniniwala sa mga nagkalat na pekeng balita.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/30/paalala-ni-kyla-research-muna-bago-kuda-netizen-supalpal/">https://balita.net.ph/2022/03/30/paalala-ni-kyla-research-muna-bago-kuda-netizen-supalpal/

"Do your research and see if things are true before you react. There’s a lot of fake news out there. Just please be vigilant," aniya.

https://twitter.com/kylaessentials/status/1507555015564853251