Naging usap-usapan noong Sabado, Mayo 21, ang mga litrato nina Diego Loyzaga at dating Pinoy Big Brother housemate na si Franki Russell na bagama't burado na ay mabilis na nai-screenshot ng mga netizen at pinagpiyestahan sa social media.
Binati ni Franki si Diego sa ika-27 kaarawan nito at ibinahagi sa kaniyang IG post ang mga litrato at video nila, subalit mabilis din niya itong tinanggal.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/21/diego-iniintrigang-may-bagong-jowa-na-barbie-mapapa-shot-puno-na-ba/">https://balita.net.ph/2022/05/21/diego-iniintrigang-may-bagong-jowa-na-barbie-mapapa-shot-puno-na-ba/
Kasama sa mga litratong ibinahagi ni Franki ang pagpapa-tattoo niya kasama si Diego.
Nakuhanan din ng screengrab ang IG story ni Franki kung saan mababasa ang kaniyang birthday greeting kay Diego.
"Happy Birthday @diegoloyzaga you have the biggest heart and everyone around you is so lucky to have someone like you in their life. 27 ain't ready for you papi," saad ni Franki.

Tanong ng bayan, si Franki na ba ang bagong pag-ibig ni Diego at malabo na silang magkabalikan ni Barbie Imperial?
Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o kumpirmasyon sina Diego at Franki tungkol dito.