Kung gaanong all-out ang suporta ni Kapamilya star Andrea Brillantes sa jowang si UP Fighting Maroons basketball superstar Ricci Rivero sa mga laban nito, ganoon din ang ipinamalas ni Ricci sa gf, lalo't kabilang ito sa mga lumaban sa women's volleyball game ng 'Star Magic Games 2022' sa Araneta Coliseum ngayong Mayo 22.

At dahil nanalo ang koponang kinabibilangan ni Andrea, makikitang sweet na sweet ang lambingan ng mag-jowa, na ibinahagi naman sa Facebook page na 'Kapamilya Online World'.

Makikita sa mga litrato na may hawak pang placard si Ricci na 'Go Andrea!'.

Naispatan ding yumakap si Andrea sa kaniyang jowa at nagtitigan.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Bukod kay Andrea, naglaro din sa tournament sina Chie Filomeno, Vivoree Esclito, Angela Ken, Sam Cruz at iba pa.

Samantala, trending sa Twitter ang hashtag na StarMagic30thAllStarGames at BLYTHE RIVERO STAR.