Patay ang isang 33-anyos na babae nang hampasin umano ng dos-por-dos ng nakababatang kapatid sa Cagayan de Oro nitong Sabado.

Sa police report, natagpuan na lamang ng mga residente ang bangkay ng biktima ilang metro ang layo sa kanyang bahay nito sa Barangay Pagatpat.

Hindi na isinapubliko ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima na binawian ng buhay dahil sa matinding pinsala sa ulo.

Matapos ang krimen, agad na sumuko ang suspek at inamin ang krimen.

Probinsya

15-anyos na dalagita, patay matapos umanong gahasain ng 13 lalaki

Sa paunang pagsisiyasat ni Cagayan de Oro Police Master Sergeant Ariel Reursora, may hawak ng kaso, pumunta ang suspek sa bahay ng biktima matapos maingayan umano sa radyo.

Nagkainitan umano ang dalawa hanggang sa kumuha umano ng kahoy ang biktima at naagaw ito ng suspek at ipinalo sa kanya.

Gayunman, ipinaliwanag ng mga magulang ng suspek, may sakit umano ito sa pag-iisip.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na nahaharap sa kaukulang kaso.